Ynna POVHinubad ko ang suot ko'ng jersey at tinupi iyon para palabhan kay Manang ng sa ganon ay madala ko ulit sa locker ko. Nag punta pala ako sa mall ng naka jersey suit? Napangiwi ako. 'Di ko manlang naisip mag palit.
Sabagay gusto ko na din muna makaalis 'dun matapos akong ipahiya at prangkahin ni Ellijah. Sabi ko di na'ko iiyak eh. Pero bakit ngayon naluluha pa rin ako? Damn that man. Kung di ko lang talaga siya crush matagal na ko'ng na turn off sa ugali niya.
Pero isa siyang makapangyarihang nilalang na sa isang titig niya lang..bibigay ka na agad because of his piercing eyes. Hindi ko nga alam kung hanggang kailan ako mag papantasya sa isang katulad niya. May times na pagod na 'ko pero I'm stuck between 'ayoko na' at 'kaya pa'.
Bumuntong hininga ako. Umpisa pa lang naman 'to. Alam ko'ng masyado lang akong nagiging over acting sa mga nangyayari. Pero siguro ganon nga. Kapag gusto mo ang isang tao kahit na hindi naman masyadong masakit yung mga pangyayari masasaktan ka pa rin dahil alam mong wala siyang karapatan sa nararamdaman mo. At ayun ang masakit.
Kinabukasan ay agad akong dumiretso sa classroom medyo maaga akong pumasok ngayon para bumalik sa normal ang lahat. Nandun na si Dani at nag iisa pa lang siya sa row namin nag rereview siya ng notes. Hanggang ngayon wala pa rin siyang sapatos naka tsinelas pa rin siya at civilan pa'rin ang suot niya. Mabilhan nga 'to mamaya. "Hi Dani. May homeworks ba?"
Humarap siya sakin. "Oh Ynna andyan ka na pala. Wala naman, nag rereview lang baka sakaling kay surprise quiz. Alam mo naman dito di ba?" Sabay ngiti niya. "Oh ikaw? Kamusta ka na nga pala?" Tumitig siya sakin. "Mugtong mugto ya'ng mata mo oh." Malungkot niyang sabi.
Nag iwas ako ng tingin. "Ah, eto? Kinagat ng langg--" pinutol niya ang sasabihin ko.
"Kinagat ng langgam kaya kaya umiyak? Oh kinagat ya'ng puso mo kaya ka umiyak?" Ngisi niya.
Umiling ako. "Ok na'ko Dani. Don't worry. Ayos na sakin yung nangyari." Sabay ngiti ko.
Humarap siya sakin na parang nadidismaya. "Si Ej kasi eh. 'Di na lang mag sorry. Tsk." Sabay iling niya.
Ngumiti ako. "Ayos lang. Kasalanan ko naman. Ako naman yung nang gulo kaya okay lang." Sabay ngiti ko at nag iwas ng tingin. Feeling ko anytime mag tutubig ang mata ko.
"Oo nga kasalanan mo. Pero dapat maging fair din siya. Marami kayang sumisigaw sa pangalan niya pero hindi niya manlang pinagalitan pero nung ikaw? Tsk. Nakakainis lang." Sabay nguso niya.
Eh kasi naman. "Marami kasi siyang taga hanga at..siguro yung iba kakilala niya na. Ako kasi..first time ko siyang suporthan kahit na isang game subject lang 'yon." At ngayon lang ako nag karoon ng lakas ng loob suporthan siya sa lumipas na 18 years.
At agad ko nanakang naalala ang mga isa sa flashbacks na dumating sa buhay ko nung bata pa ako.
Bata pa kami ay hindi na kami masyadong close ni Ellijah lagi kaming nag aaway sa mga simpleng bagay lang. Nandito kami sa Garden namin at nag lalaro. Kumpleto ang mga kibigan ko'ng nandito. Buti na lang at pinayagan sila ng mga Tito't Tita ko.
"Game..maitim taya!" Sabay sabay kaming nag lahad ng kamay sa ere at nakita ko si Ellijah na tinaob ang palad niyang siyang simbolo ng itim na ngayon ay naging puti na at ngayon ay walang taya.
"Huy 'anduga ni Ej! Tinaob niya yung kamay niya. Siya yung taya!" Ani ko. Tumingin sa'kin si Ellijah na nanlilisik ang mga mata.
"Hala ano 'yun? Hindi naman eh. Naka puti na ko kanina. Ano ka bulag?!" Sabay punas ng pawis niya. Naka shorts siya na kulay brown at naka sando na kulay blue. Gwapo niya. Pero maduga pa rin siya.
BINABASA MO ANG
Truth Or Dare #Wattys2016
Novela JuvenilSa laro ng pag ibig hindi mo malalaman kung ilang beses ka ng natalo. Dahil hindi mo to mamalayan kapag nasaktan ka na ng higit pa sa inaasahan mo. Ynna Zin Marchesa still accept the fact na kailan man ay hinding hindi na siya magugustuhan ng taong...