"Napagkasunduan ng korteng ito na si Ms. Faye Gamore ay wala ng karapatan sa isang buwan taon gulang na bata na anak niya kay Mr. Kenlerr Lyefore, dahil siya ay lumabag sa karapatang pangbata bilang magulang"
" HINDI! HINDI NYO PWEDENG ILAYO SAKIN ANG ANAK KO! HINDI!
HINDI AKO PAPAYAG! HINDI!" sigaw ko sa sa babaing nakatayo sa gitna ng impyernong lugar na ito. Mula sa kinauupuan, napatayo na ko ng marinig ko ang pinakamasakit na salita na narinig ko sa tanan ng buhay ko, iyak na ko ng iyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ilalayo nila sakin ang anak ko .. hindi ko kaya yun.Naninikip na ang dibdib ko. Wala akong ginawang masama. Napaka sinungaling nila. Ang lulupit nila.
"Karagdagan, kautusan ng korte, si Ms. Faye Gamore ay makakapagmulta ng sampung milyon piso sa oras na lumabag siya sa napagkasunduan niya sa pamilya Lyefore"
"ANONG NAPAGKASUNDUAN?! KAHIT KAILAN HINDI AKO PUMAYAG SA GUSTO NILA!! MGA SINUNGALING KAYO!" sobrang lakas na sigaw ko. Bumuhos na ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan mula pa ng iniinterview ako ng isang abogado bago ako dumalo sa korteng ito.
Lumingon ako, sa dami ng tao na sumaksi sa kahuyapan ng pamilyang Lyefore, umaasa akong makikita ko sa loob ng silid na ito ang kaisa-isang makakatulong sakin.
Kailangan ko sya.
Nilibot ko ang paningin ko sa kahit saang sulok, lumuha ako ng lumuha, ngunit bigo ako.
Wala sya ...
Pinabayaan nya na ko ...
Hinayaan nya akong pagmalupitan ng nanay nya. Wala man lang syang ginawa. Hinayaan nyang ilayo sakin ng nanay nya ang anak ko. Ang anak namin.
Bumuhos na ang lahat ng luha ko. Napapahagulgol na ko. Nakakaawa ang itsura ko ngayon, wala akong kakampi.
Mag-isa kong pinaglaban ang anak ko. Wala man lang tumulong sakin. Para akong pinaparusahan ng langit sa kasalanang kahit kailan ay hinding-hindi ko magagawa.
Umaasa ako na sa nalalabing oras bago pagdesisyunan ng judge ang kaso ko sa anak ko at sa pamilya Lyefore ay dadating sya. Itatanggi nya lahat ng kasinungaligan ng nanay nya.
Ipaglalaban nya kami ng anak namin, hindi nya hahayaan na paghiwalayin kaming dalawa ng dahil sa kagustuhan lang ng nanay nya. Magiging matapang sya para samin. Kailangan ko lang maniwala sa mga pinangako nya sakin.
Hindi na tumigil sa pagtulo ang mga luha ko. Hilam na rin ang mata ko. Paunti-unti napapabitaw na ko. Tanging luha ko na lang ang nagiging sagot sa mga katanungan sa isip ko.
Bakit nangyayari sakin to?
Nayanig ang buong pagkatao ko nang marinig ko na ang bagay na pinaka ayaw kong marinig sa araw na to. Ang bagay na na kapangyarihan ng judge sa hukuman na nagdedeklara sa pag sang-ayon sa mga kaso kagaya ng kasong kinakaharap namin ng anak ko.
Sabay ng pagpok-pok ng judge sa mukhang martilyong kahoy ay pagpikit ko rin sabay ng pagluha ko.
Patawad anak.
Wala akong nagawa.
Kahit anong sigaw at pagwawala ko, wala rin akong nagawa. Mas pinanigan ng korte ang kasinungalingan ng pamilyang Lyefore sa akin.
Mga wala silang awa.
Kahit nanlalabo na ang paningin ko dahil sa walang katapusan pagluha, nahagilap pa rin ng mga mata ko ang babaing una pa lang ay hinadlangan na ang kasiyahan ko.
Sopistikada syang nakatingin sa sakin. Mapagmalaki. Walang awa.
Ang babaeng dapat igagalang ko dahil sya ang nanay ng lalaking mahal ko. Ang babaeng dapat igagalang ko dahil sya ang lola ng anak kong pilit nyang nilalayo sakin.
Pero bakit kailangan ko syang galangin kung sya mismo ang nagbubuwag sa pamilya ko, sa kaligayahan namin ng anak at apo nya.
Mabilis ko syang nilapitan.
Walang pasintabi na lumuhod ako sa harap nya nang akmang tatalikuran nya ko.
Maraming tao ang nakakakita sa pagluhod ko.
"Mam Milia," humagulgol na ko habang nakaluhod pa rin ako sa paanan nya. "Huwag nyo pong gawin sakin to. Maawa po kayo. Pakiusap po" namamaos na ang boses ko. "Ibalik nyo po sakin ang anak ko."
Tiningala ko ang mukha nya. Walang paki alam nyang akong tinitignan lang.
Patuloy pa rin akong umiiyak.
"Sinabihan na kita noon hindi ba? Sinabihan na kitang layuan mo ang anak ko! Pero anong ginawa mo? Ipinagpatuloy nyo pa rin. Sinusubukan nyo talaga ako!"
patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Bawat salitang binibigkas ni Mam Milia sakin tumatagos sa puso ko.
Alam kong galit na sya, sobra ang galit nya sakin.
"Alam mo Ms. Faye, dapat una pa lang sumunod ka na sakin. Edi sana hindi ka nakaluhod sakin ngayon! Masyadong kang nagpadala sa kasinungalingan ng anak ko. At ngayon nagpa-anak ka pa sa kanya. Magtiis ka. Magdusa ka!"
napalupagi na ko sa malamig na semento ng talikuran na ko ni Mam Milia.
Tumulo na ng tumulo ang luha ko.
"Mam Milia, pakiusap naman po." humahagulgol na sigaw ko. Palabas na sya sa malaking pinto kasabay ng maraming press. "Mam Milia!"
Napasabunot na ko sa buhok ko. Hirap na hirap na ko. Wala akong matakbuhan.
Natalo ako. Natalo ako sa kaso. Hindi ko naipaglaban ang anak ko. Wala na kong maisip na iba pang gawin para mabawi ang anak ko.
Ken .....
Asan ka na ba?
____________________________________
@Jaye.celteñedoJust trust me okay :)