"Ito lang ba Ms. Faye ang maipapakita mo sakin? Wala na bang iba?"
Yumuko ako. Hindi ko kayang masigawan na naman ako. Lahat ng sinabi sakin ni Sir Gaylo, lukmay kong tinanggap. Ngayon si Mam Loyra naman ang kaharap ko, tama na muna.
Ngayon ang araw na magbibigay ako ng impormasyon tungkol kay Kenlerr. At hindi nagustuhan ni Mam Loyra ang nakasulat sa maliit na notebook na listahan ko.
"Puro , 'Si Kenlerr Lyefore ay umattend ng klase nya.' 'Si Kenlerr Lyefore a-' Ms. Faye kailangan ko ng iba! Yung kakaibang impormasyon" lumalakas ang tono ng boses ni Mam Loyra na naging dahilan para yumuko lang ako.
"Kaya mo ba talaga 'tong pinapagawa ko sayo Ms. Faye? Kung hindi sabihin mo lang, para nakakapaghanap na ako ng bago. Kailangan ko na to Ms. Faye." naging malungkot na ang tono ng boses ni Mam Loyra sa huling sinabi nya.
Sa totoo lang akala ko madali lang to pero hindi pala. Ibang pag-iimbestiga pala ang tinutukoy ni Mam Loyra na gagawin ko.
"Konting panahon na lamang at si Kenlerr na ang hahawak sa lahat ng negosyo ng kapatid ko." kumalma na ang boses ni Mam Loyra. "Kailangan ko na ng magandang impormasyon Ms. Faye dahil ako din ay magbibigay ng impormasyon kay Ate Milia." tumingin sa mata ko si Mam Milia. Tingin na parang nagmamakawa sya sakin.
"Mam Loyra, gusto ko po sanang magtanong. Para san po ba ang pinapagawa nyo saking ito?" nilakasan ko na ang loob ko para magtanong. Naguguluhan kasi ako, hindi ba at pamangkin nya si Kenlerr, lagi nya itong nakakasama. Pero bakit pinapaobserba niya pa sakin ang pamangkin nya. Kung tutuusin din naman ay admin office sya sa school na pagmamay-ari ng kapatid nya, madali din naman niyang malalaman kung ano ang pinaggagagawa ng pamangkin nya sa loob ng University na ito.
Bakit kailangan din na wala dapat makakaalam ng pag-oobserbang ito.
"Nice asking Hija." ngumiti ng tipid si Mam Loyra sakin. "Noong bata pa si Kenlerr lagi nyang hinahanap ang kanyang ina sakin. Laging nyang sinasabi sakin na gusto nya daw mamasyal kasama ang Mommy nya. Gusto nya daw na tulungan ang kanyang ina sa pagtatrabaho para matapos daw ito agad at makapaglaro silang magkasama. Pero dahil sa kagustuhan ng kapatid ko na umangat pa ang pamumuhay, parang nakalimutan nyang may anak sya na laging nag-iintay sa bahay makita lamang sya."
"Palaging ako lang at ang yaya ni Kenlerr ang nakakasama nya sa tuwing nagkakaroon ng okasyon sa school noong elementary sya. Naging dahilan din iyon kung bakit ngayon hindi pa ako nakapagbuo ng sarili kong pamilya, eh malapit ng mawala ang edad ko sa kalendaryo." may mapait na ngiti ang pinakawalan ni Mam Loyra sa kanyang labi.
"Nakakaramdam ako noon ng kaba dahil habang lumalaki si Kenlerr sa tabi ko ay
lumilipas ang panahon na hindi na nya hinahanap sakin ang Mommy nya, hindi kagaya noon na maya't-maya nyang tinatanong sakin kung nasan ang Mommy nya, kung uuwi pa daw ba sya, makakasabay pa daw ba nya itong kumain at kung anu-ano pang tanong tungkol sa pagsasama ng mag-nanay. At ngayon ngang lumaki na si Kenlerr, nasanay na ang batang iyon na walang nanay na nag-aaruga sa kanya."Nakaramdam ako ng awa kay Kenlerr. Kahit na bago ko pa lang nakita si Kenlerr, para bang nadudurog ako sa buhay nya noong bata pa sya.
"A-asan po ba ang tatay ni Kenlerr?" nag-aalangan ko pang tanong.
"Pumanaw na ang Daddy ni Kenlerr. Isa itong Australian man na may katandaan na, na pinagkasundo lamang kay ate Milia. Pilit noon na tinatanggihan ni ate Milia ang utos ng aming mga magulang, pero walang nagawa si ate noon at natuloy ang pagpapakasal nya doon sa Australian man. Tatlong taon na namalagi si ate Milia sa Australia pagkatapos ng sapilitang kasal nya. Sa tatlong taon na pagsasama nila ng Australian man na iyon, nagbunga ang pagsasama nila. Dalawang beses syang nagka-anak na ni kahit kailan ay walang pagmamahalan na namagitan."