2

56 2 0
                                    

"Judge, nakikiusap po ako. Tulungan nyo po ako. Maawa po kayo. Please lang po.."  luhaan pa rin ako.

Pagkatapos ng hearing, lumabas na lahat ng opisyal sa korte kasama ang judge na nagdeklara ng kaso namin ng anak ko na ngayon ay pinakikiusapan ko.

Tuloy-tuloy lang syang naglalakad. Patuloy ko din syang hinahabol. Nagbabakasakali akong tulungan nya ako. Maawa sya sakin.

"Judge, please naman po"  binilisan ko ang paglalakad at ng maabutan ko sya, hinawakan ko ang laylayan ng damit nya.

"Alam kong magulang din po kayo ...." humikbi na ako ng humikbi.  "Isa din po kayong magulang. At alam ko pong hindi nyo gugustuhin na malayo sa inyo ang anak nyo. Nanay din po kayo. Maawa naman po kayo... Nagsisimula pa lang po akong maging ina katulad nyo. Tulungan nyo po ako."  patuloy ang pagbagsak ng luha.  Wala akog pakialam kung pagtinginan ako ng mga tao.

Nagmamakawa ako ngayon. Umiiyak. Nakikiusap. Baka sakaling may maawa naman sakin.

Tumingin ako diretso sa mata ng judge. Please maawa ka sakin.

"Hija, Oo isa din akong ina. Gustuhin ko man tulungan ka. Bigyan ka ng pagkakataon pero umaasa sakin ang batas. Sakin nakasalalay ang hustisya. Tandaan mo ito Hija, kung malalayo man ang ating mga anak sa piling natin, mas mabuti na yun lalo na kung nasa mabuting kapakanan naman ang ating mga anak." 

mas lalo akong nawalan ng pag-asa ng sabihin ng judge sakin ang salitang yun sa mukha kong luhaan. Diba nya naiintindihan?

Binitawan ko ang damit ng judge. Wala syang alam. Hindi yun ang solusyon sa problema ko. Hindi yung mga salita nyang walang kwenta ang makakatulong sakin bagkus lalo pang pinapabagsak ang kalooban ko ng walang kwentang judge n to.

Buong tapang ko syang sinigawan.

"HINDI! PAANO MO NASASABI ANG LAHAT NG YAN!? EH WALA KA NAMANG ALAM?! Hindi mo alam ang dinanas ko! Wala kang karapatan na sabihin sakin yan, dahil iba naman ang pinagdaanan mo sa pinagdadanan ko ngayon!" napahilamos na ako sa mukha ko. Bumuhos na lahat ng galit at lungkot ko.

"WALA KANG ALAM!!!"  sobrang lakas ng sigaw ko. May mga taong humawak sakin ng bigla ko hilahin ang damit ng judge.

Pilit nila akong nilalayo sa kanya. Sa kabila ng malakas na pagsigaw ko ay hindi pa rin tumigil ang pagluha ko.

"MAKINIG PO KAYO! Nang sa sinasapupunan ko pa lang ang anak ko, inalagaan ko syang mabuti. Iniwasan ko lahat ng bawal. Walang palya ang araw ng pagpapacheck-up ko."  patuloy lang sa pagtulo ang luha ko.  "Hindi na rin ako nakakapasok sa school, napabayaan ko na ang pag-aaral ko, kasi ayoko na nasa tyan ko pa lang ang anak ko, may kumukutya na sa kanya. Sobrang hirap ho ng buhay ko pero pinipilit kong magtyaga para saming mag-ina. Pitong buwang pagbubuntis ang hirap na dinanas ko pero tiniis ko lahat po nang yun! Kasi ayoko mapahamak ang anak ko!"  humagulgol na ako.

"Hija, yun na nga eh. Hindi ko hawak ang sitwasyon mo. Ginawa ko ang lahat. Bago ko hawakan ang kaso mo, pinaimbestigahan ko muna ang lahat. Si Mrs. Milia Lyefore ang syang ng abot sakin ng lahat ng papeles na kailangan ko sa kaso, Hija lahat ng pinakita nyang impormasyon laban sayo ang nanaig. Lahat ng ebidensya nilabas na nya. Gustuhin ko mang hindi maniwala, pero kagaya nga ng sinabi ko, isa akong judge, kailangan ako ng hustisya. Hustisya para sa anak mo." 

nanlulumo syang nakatingin sakin.

"Puro kasinungalingan lang naman po lahat ng yun. Hindi po totoo yun. Kung alam nyo lang po, pagkaanak na pagkaanak ko sa ospital, kinuha na po nang sinasabi nyong ng Mrs. Milia na yun ang anak ko."  napapahaplos na ko sa lalamunan ko sa pagpapaliwanag na kasinungaling bintang sakin. Sumasakit na ang lalamunan ko dahil sa pag-iyak.

"Iyak na lang po ng anak ko ang narinig ko pagkatapos ko syang ianak. Ni hindi ko po alam kung babae ba o lalaki ang anak ko. Kinuha na lang po nila ang anak ko ng basta-basta ... Maawa naman po kayo sakin ... Tulungan nyo naman po ako."  nanghihina ako ng maalala ko lahat ng nangyari sa ospital.

Pagkatapos kung makapagpahinga noon dahil sa hirap at sakit ng panganganak, nang tanungin ko sa nurse na encharged sakin noon kung nasaan ang anak ko, hindi nya sinagot, at sinabi nyang magpahinga na lang muna daw ako.

Gusto kong saktan ang nurse na yun dahil sa hindi  ko maiintindihan ang sagot nya sa tanong ko. Pero hinang-hina pa ako noon.

Hanggang kailan tutulo ang luha ko?


'Pwede ba wag kang nasasanay na iyakin'

Napapikit ako ng maalala ko ang salitang yun.

Ken ......

"Kailangan ko ng umalis Hija. Pasensya na .." malungkot na tinignan na lang ako nag judge.

Nang umalis sya, napaupo na ako sa malamig na tiles. Walang-wala na ako.

Hindi ganitong buhay ang gusto ko. Hindi ganito ...

Nagsisimula pa lang akong maging isang ganap na ina pero bakit ayaw talaga sakin ng mundo? Hindi ba pwedeng kahit ngayon lang hindi ako mag-isa?

Wala akong mapagsumpungan. Wala akong malapitan. Ang hirap pag mag-isa ka lang.

Siguro, patikim lang talaga sakin noon na may lalaking nagmahal sakin. Hindi talaga para sakin ang ganoong kaligayahan.

Pero bakit naman ngayon na sarili kong anak ilalayo sakin? Anak ko yun, sariling dugo at laman!


______________________
@jaye.celteñedo

Sunod na update, nakaraan ng buhay ni Faye Gamore. Baka maguluhan kayo.

Kahit mangilan-ngilan pa lang ang nagbabasa nito, MARAMING SALAMAT na agad. :)

Author's Note:
Just trust me okay :)



Say you'll never goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon