"Kapag ang tao ay nakakaramdam ng lukso ng dugo sa taong bago pa lang nyang nakikilala, may posibilidad na may koneksyon ang dalawang ito."
Nakikinig lang ako sa teacher sa unahan. Pinipilit kong mas bigyan ng pansin ang klase kaysa sa tignan na naman si Kenlerr.
"Bukod dito class, ang pakiramdam mo ay magiging magaan. Yung tipong komportable ka na kausap mo ang taong ito."
Nakikinig lang ang klase namin. Human traits ang topic namin ngayon sa Values.
"Magaan po ba Sir? Bakit po ako nahihirapan, naninindigan pa nga po eh." malakas ang tawanan ng biglang sumagot si Luiz.
"Iba na yang traits mo Corpuz. Lukso na yan ng likido mo." nagtawanan ulit ang buong klase. Pero tahimik pa rin ako. Ni hindi ako tumawa sa sagutan ni Sir at ni Luiz.
Sana may topic kami tungkol sa 'bakit bumibilis ang pintig ng puso ng tao sa taong bago pa lang nakikita' Minsan naiinis na ako sa nararamdaman kong ito. Hindi na kasi ako makagawa ng maayos na dapat iniintindi ko.
"Marami pa tayong pag-aaralan class. Kaya sana attentive kayo kagaya ni Mr. Naninindigan." tumawa ulit ang klase maliban sakin. "Dismiss."
Tapos na ang klase ng values. Sunod na subject, business intellect. Pinag-aaralan namin kung paano dapat pumustura ang isang businessman o businesswoman. Kung paano lumakad, magsalita, makisalamuha sa mga kapwa din businessman at marami pang iba na elegante ang dapat na ikilos.
Medyo mahirap para sakin yung subject na yun. Hindi ko kasi alam kung pano maging elegante sa simpleng lakad lang, o sa pagsasalita. Minsan idinidemo sa unahan na kailangan ay gagawin ng buong klase. Dahil sa mababa ang self-esteem ko, hindi ko nagagawa ng tama ang pinapagawa ng teacher, dahilan para mapagalitan ako.
"Good day class. Every one please sit properly." bungad agad samin ng teacher pagkapasok pa lang sa klase. Ang teacher namin dito sa business intellect ay isang bakla pero nakadamit panlalaki pa rin sya. Medyo masungit at sopistikada ang teacher naming ito. Ako din minsan ang lagi nyang napapagalitan dahil sa sablay kung performance pagdating sa demo.
"Kahapon ay napag-aralan natin ang poise at figure to be a attentive businessman and woman. Always remember na dapat hindi nyo inaalis ang fashion sa katawan nyo para sa labas at loob ng company nyo 'let say', ay kagalang-galang kayo." nakikinig lang ako sa unang lecture ni Mr. Gaylo.
Napahinga ako ng malalim. Wala akong alam pagdating sa fashion. Simpleng t-shirt at pantalon lang lagi ang sinusuot ko. Ni hindi rin ako marunong maglagay ng kolorete sa mukha.
"Magprepare na kayo class, pupunta tayo sa Gly. Room. Ihanda nyo na rin ang sarili nyo para sa demonstration."
Napayuko ako. Ayoko talaga ng demonstration na to.
Pagdating sa Gly. Room, umupo na lang ako sa sulok ng hanay ng mga bangko. Sa Gly. Room na to laging ginaganap ang demonstration para sa amin na kumukuha ng business ad. Nandito yung mga kagamitan na pang office, meron din na table at swivel chair para sa bachelor.
Pero may napansin akong isang table na nakaayos. Para syang table para sa isang classy restaurant. May baso,kutsara pinggan, kandila, ang kupon ng bulaklak.
"Ngayon, pag-aaralan natin kung paano naman kayong mga businessman and woman makipagsocialize through a elegant dinner or lunch. Hindi mawawala sa industriya ng business ang pagkakaroon ng mga meeting sa mga class restaurant, lalo na kung malaking negosyo ang hinawakan nyo. So now, be prepare."
Hindi pa man nagsisimula ang demonstration na to, hirap na agad ako. Iniisa-isa pa man din. Kung minsan pag nagkamali ka, pauulitin ka hanggat hindi ka natututo.