17

2 1 0
                                    

Kinabukasan, hinanda ko na ang sarili ko para magbigay alam kay Mam Loyra. Sasabihin ko ang lahat-lahat maliban lamang sa panghahawak sakin ni Kenlerr sa dibdib.

Sinilip ko muna ang transparent na pinto ng office ni Mam Loyra bago pumasok. Umupo ako sa visitor's chair.

"Spill it Ms. Faye."  nakangiting bungad ni Mam Loyra pagkaupong-pagkaupo ko.

Inilahad ko lahat. Mula sa thickler, sa stalker at sa pag-uugaling nakita ko kay Kenlerr.

"Very good Ms. Faye, magaling ang ginawa mo."  napakasaya ng boses ni Mam Loyra. Parang ang gandang balita ang narinig nya sakin nasa tingin koy wala namang ikinaganda.

"Sa ginawa mong yun, mukhang papayagan kang papasukin ni Kenlerr sa buhay nya."  lihim akong napakunot noo. "Ituloy mo lang yun Ms. Faye, magkakamayang loob kayo ng pamangkin ko. Simple lang ang pinakita ni Kenlerr sayong pagpupumilit, nagkaroon sya ng interest sayo."

"Ano pong interest?" nahihiya kong tanong.

"Alam mo kasi hija, ever since na sa akin lumaki si Kenlerr, wala ni isang babae ang nagustuhan nyan. You know Jederson Chaden, Luiz Corpus, and Nicholas Hale?" tumango ako bilang sagot.  "Ang mga kaibigan nyang yun, mga pilyo, babaero at uncontrollable gentleman. Hindi ko nga lubos maisip kung bakit hindi man lang nahawahan ang pamangkin ko ng tatlong yun."  namangha ako sa pahayag ni Mam Loyra. Ibig sabihin mabait pa rin kahit papaano si Kenlerr?

Nagpatuloy ulit sa sa pagkukwento si Mam Loyra.

"Bata pa lang si Kenlerr, wala na yang ibang inatupag kundi mag-aral dahil gusto ng batang yun na may maipakitang medal at ribbon sa mommy nya. Madalang yun kung maglaro dahil ayaw nyang maabutan ng mommy nya na madungis. Even noong high school sya, same routine pa din. School at bahay lang. Gustong-gusto ko noon na  lumabas at magliwaliw kahit minsan si Kenlerr. Yung sasama sya sa mga kaibigan nya para magsaya like gimik, sport, o ibang bagay na mapapag kakaabalahan pero wala. Lagi lang nyang inaantay na umuwi ang Mommy nya."  nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Mam Loyra.

Say you'll never goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon