Malalim na paghinga ang isa ko pang pinakawalan habang nakatingin ako sa malayo. Wala pang klase, nandito ako ngayon sa likod ng building, dito ako laging natambay kapag ganitong vacant ang klase. Pano ko ba sisimulan na maging malapit sa isang Kenlerr Lyefore?
Una, wala akong lakas ng loob na makausap sya ng matagal kung sakali. Pangalawa, ilag ako sa tao. Sa dalawang taon na lumipas na nag-aaral ako sa dito sa LU, hindi ko magawang makisalamuha ng matagal sa mga kapwa ko estudyante dito. Pangatlo, nakakaramdam ako ng ilang kung sakaling mapalapit ako kay Kenlerr dahil dun sa nangyari sa hallway ng CR nun.
Hindi ko kasi maatim na may pagkabastos ang ugali nya sa kabila ng may anghel syang mukha. Kung hindi ko siguro napigilan ang bibig nya nun, marami pa syang mapapansin sakin bukod sa maliit kong dibdib.
Tinignan ko ang tickler note book ko. Anong ilalaman ko dito? Hindi naman pumasok ang lalaking yun ngayon.
Sya mismong anak ng may-ari ng school, pala-absent naman. Lumingon ako sa building ng marinig kong nagbell na, simbolo na mag-istart na ang klase.
Sinilid ko na ang tickler note sa bag ko at isinakbit na. Bumalik na ako sa classroom.
"ANO nga ulit pangalan mo?" nagulat ako ng may tumabi sa akin. Kakatapos lang ng unang klase sa communication skills namin.
Nilingon ko ang tao sa tabi ko. Nagulat ako ng makita ko si Luiz. "B-bakit?" napapayuko ko pang tanong.
"Wala." kumunot ang noo ko sa sagot nya. Itinuon ko na lang ulit ang pansin ko sa pagbabasa.
"Miss ano nga ulit pangalan mo?" hindi ko sya pinansin, tuloy lang akong nagbabasa. "Miss?"
Hinayaan ko lang syang magsalita mag-isa. Naiilang na naman ako kapag may kumakausap sakin. Naramdaman kong dumampi ang kamay nya sa braso ko, mabilis ko naman itong dinanggi dahilan para tumilapon ang librong binabasa ko.
Agad akong lumuhod para kunin ang librong nalaglag. Hindi ako tumitingin kay Luiz, nakayuko lang ako. Akmang aabutin nya ulit ang braso ko pero mabilisan akong tumayo. "Teka Mis--"
"Aaw-!" napahawak ako sa bunbunan kong nauntog sa armchair. Dahan-dahan akong tumayo habang hawak-hawak pa rin ang ulo ko dahil sa sakit ng pagkakauntog.
Nakaiwas pa rin ang tingin ko kay Luiz.
"Chill lang Miss. Tinatanong lang kita. Para ka naman dyang ginigipit." hindi pa rin ako tumitingin sa kanya.
Naramdaman kong umalis na sya sa katabing silya ko. Tinignan ko ang likod nyang papalayo pabalik sa silya nya. Nakitang kong nagtawanan ang mga kabarkada nyang sina Jed at yung isa pang hindi ko alam ang pangalan. Transfree di ata ang isang yun.
Nakaramdam ako ng inis sa magkakabarkadang yun. Nakakainis sila. Ayan na naman sila. Nangtitrip na naman.
Napaismid ako at umayos na lang ulit ng upo. Nagsimula na ang pangalawang klase. Habang patuloy lang ang pagdidicuss ng teacher sa unahan, nabigla ang lahat kabilang ako ng biglang pumasok si Kenlerr. Nakakuha ito malaking atensyon sa klase dahil napatigil ang teacher sa pagtuturo.
"Mr. Lyefore, bakit ngayon ka lang? Anong oras na ah?" hindi ko pinansin ang sita ng teacher kay Kenlerr. Sa mukha lang ako ni Kenlerr nakatingin.
Bakit kahit may kabastusan syang nasabi sakin nung isang araw parang nawala ang lahat ng iyon sa agam-agam ko. Nag-maalala ko naman ang bagay na iyon agad akong napakapit sa kanang braso ko. Napatingin ako sa dibdib ko, kasunod, pagbalik ko ulit ng tingin kay Kenlerr na ngayon ay paupo na sa bangko katabi nina Luiz.