Yukong-yuko ako sa upuan ko. Hindi ako mapakali.
Ako ba talaga ang tinignan nya?Pasimple akong lumingon sa likod. Baka naman kasi hindi ako ang tinitignan nya.
Pagkalingon ko sa likuran ko, may nakita akong grupo ng mga babae. Mga pigil ang ngiti nila, para silang nagtitiis ng kilig. Nakatingin din sila sa unahan kung saan nandoon nakapwesto ang lalaking akala ko ay sa akin nakatingin.
Nadismaya ako. Akala ko sakin na nakatingin eh.
Bumalik na lang ulit ang paningin ko sa unahan. Umayos na rin ako ng upo. Pasimple kong tinignan ulit ang lalaki, abala na sya sa pakikipagkwentuhan kina Luiz. Nagtatawanan na sila, nagkekwentuhan na ng malakas.Napahinga ako ng malalim.
*
Lumipas ang maghapon na isang teacher lang ang dumalo sa klase, tapos nag-announce lang na bukas pa ang regular class. Kaya naman inip na inip ako. Nakatingin sa kawalan. Nakikinig na lang sa kwentuhan ng mga katabi ko.Paminsan-minsan tumitingin ulit ako sa lalaking mukhang anghel. Habang nakikipagkwentuhan sya sa mga kabarkada nya hindi ko nasilayan na ngumiti sya, yung ngiting labas ang mga ngipin.
Laging ngisi ang nakikita kong ngiti nya, habang sina Luiz na kausap nya malalakas na tumatawa.
Malapit na ma-ubos ang oras para sa huling klase. Kwentuhan lang ng mga ibang estudyante dito ang napakinggan ko imbes na lecture ng teacher.