Hindi ko alam kung nabasa nya ba lahat ng nakasulat sa thickler kaya ganun sya kagalit sakin at balak nya pa akong saktan. Ano bang ikinagagalit nya dun?
Sobra ang takot ko nun. Yung kabang naramdaman ko para akong nilulugmok sa sahig.
Siguro kong hindi ko talaga sya napigilan, lumapat na ang kamao nya sa mukha ko. Nadismaya ako nung araw na yun. Sa anghel na mukha nya hindi ako makapaniwalang kaya nyang gawin yun.
Ang ipinagtataka ko lang, kung nabasa nya nga ang nakasulat sa thickler note ko bakit ang bilis nyang nagalit? Bakit parang gustong nya akong saktan nung araw na yun? Ito ba yung dahilan kaya ayaw ni Mam Loyra na may ibang makaalam nitong pinapagawa nya sakin? Dahil kayang manakit ni Kenlerr?
Malaking gulo ata itong napasok ko. Mag bitaw na kaya ako? Kaya lang nakakahiya dahil pinapaaral naman ako ng school nila.
Naguguluhan na ko.
Minabuti kong ayusin na lahat ng gamit ko, nandito ako ngayon sa library. Naglakad na ako paalis.
Pagkalabas ko ng library, napatingin ako sa dadaanan ko. Nakita kong naglalakad si Kenlerr kaparehas din ng daan na tinatahak ko. Kaibahan lang palapit kami sa isa't-isa.
Hindi ko alam ang gagawin ko, pero diretso lamang humahakbang ang mga paa ko. Gusto kong maglipat ng direksyon para hindi ko sya makasalubong kaya lang wala talagang ibang daan.
Palapit na palapit na kaming magkasalubong. Hindi ko alam kung anong ikikilos ko. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang ulo ko para hindi nya makita ang mukha ko, dahil nakita kong tumingin sya sakin.
Nang wala na talaga akong nagawa, yumuko na lang ako ng nagkasalubong na kami. May takot pa rin akong nararamdaman. Yung tipong napayakap pa ako sa sarili ko dahil baka bigla nya akong saktan habang magkasalubong kami.
Laking pagkabigla ko ng maramdaman kong may kamay na humawak sa braso ko. Napaikot ako pabalik sa pinagmulan kong direksyon. Napaawang pa ang bibig ko dahil pagtingala ko nakita kong si Kenlerr iyon na nakakunot ang noo.
Nung nagkasalubong na kami nahagilap na nya pala ang braso ko. Bigla akong kinabahan dahil hinihila na nya ako kung saan. Nadaanan namin ang library na pinanggalingan ko kanina.
"T-teka sandali. Saan mo ko dadalhin?" kinakabahan kong tanog habang hila nya pa rin ako sa braso. "Hoy, ano ba .." natatakot na ko. Baka ituloy nya na suntukin ako.
Pilit kong inaalis ang kamay nya sa braso ko pero sobrang higpit na pagkakahawak nya. Idagdag pa hinihila nya pa ako. Nakakaramdam na rin ako ng sakit dahil ang bilis nyang maglakad. Napepersa ang braso ko.
"Hoy ... Bitawan mo ko!" tumataas na ang boses ko sa sa sobrang kaba. Nangingilid na rin ang luha ko, baka kasi saktan nya na talaga ako.
Dumagdag pa sa takot ko na hindi sya naimik, galit ang mukha nya. Wala pa kaming nadadaanan na ibang estudyante.
"Hoy, ano ba?!" sobra na talaga ang takot ko ng lumiko kami papunta sa lugar na walang katao-tao.
Napahiyaw ako ng itinulak ako ni Kenlerr sa isang silid na madilim. Dahil sa sobrang dilim wala akong makita. Naramdaman kong pumasok din sya sa silid. Pagkalapat ng pinto, narinig kong nilock nya ito.
Nilock?
"Hoy ano ba!" umalingaw-ngaw ang boses ko sa silid.
Bigla naman nagbukas ang ilaw. Nakita kong matalim na nakatingin sakin si Kenlerr. Nakaramdam na naman ako ng takot. Sasaktan na nya ba ako?