16

4 0 0
                                    

Habang naglalakad ako sa corridor napansin kong kanina pa may nakasunod sakin. Hindi naman ako makalingon kung sino.

Humigpit na lang ang kapit ko sa bag ko ng maramdaman kong ang lapit na ng bulto ng katawan ng tao sa likod ko sakin.

Tumigil ako sandali sa paglalakad. Baka umuna ng lakad yung tao sa likuran ko, malalaman ko kung sino sya. Ang tagal kong nakatigil pero yung sa tao sa likuran ko parang tumigil din sa paglalakad.

Nakakaramdam na ko ng kaba. Sino ba kasi yung sumusunod, wala pa mandin katao-tao na dito. Lahat ng estudyante nasa baba na.

Mga ilang minuto pa ang itinigil ko, nagsimula na ulit ako maglakad. Dumoble ang kaba ko ng narinig ko na ulit ang yabag ng nasa likod ko. Binilisan ko ang paglakad ko bumilis din ang paglakad ng nasa likuran ko.

Ano ba to?  Ang layo pa mandin ng hagdanan.

Sa pangalawang pagkakataon tumigil ulit ako sa paglalakad. Gustong gusto ko ng lingunin yung tao sa likuran ko pero inaabot na ko ng takot.

"Bat ba patigil-tigil ka?" Nanlaki ang mga mata ko. Nung isang araw ko lang sya nakausap pero tanda ko na agad ang boses nya.

Dahan-dahan akong lumingon kay Kenlerr. Napayuko pa ko ng magsalubong ang mga mata namin. Sa sapatos ko na lang ako nakatingin. Pasimple ko pang tinakpan ang dibdib ko gamit ang bag ko. Baka mamaya maulit na naman e.

"Wag mo kong yukuan. Naiinis ako." napahinga ako ng malalimAno bang sinasabi nya?

Hindi ko na lang sya pinansin. Nakayuko pa rin ako

Say you'll never goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon