Hinilot ko ang batok ko ng matapos kong sulatin ang huling sentence ng essay na ginagawa ko. Politics ang klase namin ngayon, second subject na at isang subjcet na lang break na namin.
Pinaglaruan ko na lang ang ballpen ko nang matapos na ko sa pagsusulat. Ang iba kong kaklase hindi pa tapos sa pagsusulat ang iba naman tapos na kaya umiingay na ulit. Nahagip ng tingin ko ang dalawang babae sa harap ko, si Lea ni Luvy na nagbubulungan at hindi maalis ang ngiti sa mga labi. Sinundan ko kung saan sila nakatingin. Napabuntong hininga na lang ako ng sina Jed, Luiz at Nicholas ang tinitignan ng dalawa. Si Jed na kahalumbaba habang nagcecellphone, si Luiz na nambabato ng maliliit na papel sa babaeng nasa harap nya at si Nicholas na nakataas ang paa habang nagmamasid sa paligid.
Wala si Kenlerr, absent ulit. Mabuti na din yun para payapa lang ako. Hindi ako naiilang kapag nasa paligid lang sya. Katulad nung nangyari kahapon hindi ko alam kung bakit nya ko hinalikan sa noo. Kabado na nga ako kaninang umaga pagpasok ko, baka may sumalubong na lang saking sampal dahil may nakakita saming kahapon, lalo na kung may nakakita na hinalikan ako ni Kenlerr sa noo. Sa tingin ko na may mawala at lumipas ang isang subject walang kumompronta saking babae.
"Mr. Lyefore, masyado ka atang maaga para sa afternoon class. Morning class pa lang ngayon hijo." Napalunok ako sa sarkastik na sinabi ni Sir Bueno. Dahan-dahan akong tumigin sa unahan sa pintuan.