Nakaraan
**********"Ms. Gamore punta ka na lang sa window 7, abot mo yang bio-data mo tska ito. Thank you"
inabot ko na yung papel na binibigay sakin ng office clerk. Nag aasikaso ako ngayon ng scholarship. 3rd year college na ako sa kursong business management.
Konting tyaga na lang, makakagraduate na ko. Tiis-tiis lang.
Naglakad na papunta sa window 7. Nakita kong may mangilan ngilan ng nakapila. Siguro kumukuha din sila ng scholarship katulad ko. Pumwesto na ko sa pinakahuling pila.
Lyefore University
Pag naka graduate ako dito, hindi na ko mahihirapag mag aapply ng magandang trabaho. Ang school na to ang pinaka sikat na school dito sa Maynila, kaya nang makatapos ako ng high school, ginawan ko na ng paraan ang pag-aaral ko para makapasok sa school na to.
Nilibot ko ang mga mata ko sa kabuuan ng University.
2 years
Buti na lang talaga nakaya ko.
Mahirap ang naging 2 years ko dito. Wala akong kaibigan. Bukod sa mayayaman ang tao dito, mahirap lang ako. Palaging akong mag-isa.
Sa dalawang taon na pag-aaral ko na dito, minsan tahimik lang ang buhay ko, minsan naman hindi. Nakaranas ako noon ng pambubully, uutos-utusan ka ng mga mapagmalaking estudyante, pagtitripan ka. kahit pala college na hindi nawawala ang mga ganoon.
Kahit kailan hindi ako nagsumbong noon sa office o kaya sa guidance, takot kasi akong mawalan ng scholarship. Kaya ang ginawa ko, tiniis ko na lang lahat.
Sa pagiging scholar ko dito, inuutos-utusan ako ng mga teacher, o admin, pero yung inuutos naman nila dito, madadali lang, kaya wala na lang sakin yun.
Naramdaman kong umuusog na ang pila. Malapit na ako. Pangatlo.
Nang ako na ang susunod, hinanda ko na ang sarili ko. Ini-interview kasi.
"Okay, Ms. Faye Gamore, okay naman ang grades mo, pero take note of this, kailangan mo pa rin kahit papaano ay pataasin ito" tinuro ng admin na kaharap ko ang report card ko.
tumango lang ako.
"For the last two years na pag-aaral mo dito, okay ka naman. Wala kang guidance report. Maayos ang lahat. Always present ka. So, wala namang problema. May scholar ka ulit para sa pagpasok mo dito as 3rd year college. Congratulation!"
napangiti ako sa narinig ko. Salamat God!
"Thank you po" pasasalamat ko sa admin."But Ms. Gamore, kailangan mo pa rin paghandaan yung ibang expenses although maliit lang naman yun which is in your course. So yun lang. Yung uniform mo kunin mo na lang sa Window 2."
"Ah. Sige po. Salamat po." nakangiti ako habang nagpapasalamat. "Mauuna na po ako."
Natapos ko na ang lahat ng dapat asikasuhin sa pagpasok ko. Okay na ang lahat. Nagmadali na akong umuwi sa maliit kong apartment.
Wala na akong magulang, ni wala akong kapatid. Kamag-anak naman nasa probinsya. Mas pinili kong dito sa Maynila manirahan para kung sakali magkaroon ako ng magandang buhay.
Mag-isa na lang ako. Mahirap man pero kinakaya ko.Nabubuhay ako sa pensyon ng mga magulang ko. Yung dati kasi nilang naiwang trabaho tuloy-tuloy pa rin ang sweldo at sa akin na napupunta.
Maliit lang naman ang perang nakukuha ko sa pensyon na yun, kaya kung minsan kumukuha ako ng mga part time job para sa iba ko pang gastusin. Minsan tindera ako sa mga maliliit na karinderya, minsan naman labandera. Pag kasi nagkakaroon ng biglaang gastusin sa school, kahit na scholar ako, kailan ko pa ring gumastos.Hapon na. Medyo pagod na rin ako. Pagkadating ko sa bahay nagpahinga na muna ako. Kailangan ko ng paghandaan ang pagpasok ko ulit sa Lyefore bukas.
Sana maayos-ayos naman ang college life ko. Magkaroon naman sana ng bago.
__________________________
@jaye. celteñedoWala pang syang thril alam ko! Basta keep nyo lang to sa library nyo.
Maraming salamat ulit kahit mangilan-ngilan pa kayong nagbabasa nito. Mahal ko na kayo agad-agad, kahit apat o lima lang kayong readers ko. HahahaAuthor's Note:
Just trust me okay :)