9

19 1 0
                                    

'Si Kenlerr Lyefore ay umalis na ng school kasama ang kanyang mga kaibigan'

Nang maiwan akong mag-isa sa classroom, nagsulat ulit ako sa maliit kong notebook na listahan ng mga ginawa ni Kenlerr.

Hindi ko alam kung bakit nanatili pa rin ako dito.  Naalala ko ang mga mata ni Kenlerr na nakatingin sakin. Iba ang pakiramdam ko sa tingin nyang iyon sakin kanina.

Nagkibit-balikat ako. Dati, kapag may mga taong nakatingin sakin napapayuko agad ako, pero kanina parang iba ang tingin ni Kenlerr. Parang ang sarap sa pakiramdam na tinignan nya ko.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko ngayon. Parang nag-iba.

Bumuntong hininga ako. Itinago ko na ang maliit kong notebook. Kailangan ko ng umuwi. Tama na siguro na may nalista akong dalawa na ginawa ni Kenlerr sa maghapon sa klase.

_
"Aling Bining, pabili pong toyo."  bungad ko kay Aling Bining na kapit bahay ko. May maliit syang tindahan.

"7 pesos Hija."  sabay abot sakin ni Aling Bining ng sachet toyo, sabay abot ko din ng 20 pesos.

"Kamusta Faye ang pag-aaral?"  tanong sakin ni Aling Bining habang inaabot ko ang bayad.

"Okay naman. Isang taon na lang makakagraduate na po ako."  may tipid na ngiti kong sagot.

"Mabuti naman. Wag kang gagaya sa ibang mga kababaihan dito. Malalakas ang tukso ng katawan."  sagot ni Aling Bining na nakatalikod at inaabot ang perahan. "Gaya ng sinabi ko sayo dati Hija, pag-aaral ang unahin ha? Mahirap ang buhay ngayon. Lalo na at nasa Maynila tayo."  tipid lang akong napangiti at tumango.

"Iba na ang buhay ngayon. Pati kalamnan ng lalaki nabubuhay."  narinig kong dinugtungan pa ni Aling Bining ang sinabi nya ng pagak na pagtawa.

Sa Aling Bining ang medyo malapit sakin dito sa barangay namin. Sya lang ang nakakakwentuhan ko. Sa tuwing bibili ako sa tindahan nya, lagi nyang sinasabi sakin ang bagay na yan. Lagi nya akong pinapaalalahanan.

Sanay na rin ako. Mas mabuti nga kasi kahit papaano may nagpapaalala sakin. Si Aling Bining ay biyuda na at walang anak. Medyo may katandaan na rin sya pero hindi mo mahahalata dahil lagi syang masigla.

"Kailangan ng ibayong pag-iingat anak ha? Magtapos muna ng pag-aaral. Para naman kahit papaano ay may makaahon satin sa lugar na ito."  bigla kong naalala si Mama. Siguro kong nabubuhay sya, para din syang si aling Bining.
"Ito sukli mo Faye."  sabay abot sakin ni Aling Bining ng sukli.

"Salamat po."  nakangiti kong pasasalamat kay aling Bining, sabay talikod ko.

Naglakad na ako pauwi sa aking maliit na apartment. Dito sa barangay namin sa kalye singko, hindi mo naman masasabi na squatters area to. Kaya lang mapapansin mo ang hirap ng buhay sa mga taong nakatira dito dahil sa tagpi-tagpi ang mga kabahayan.
Walang stereo o ilog pasig sa lugar na to, kaya hindi mo maaamoy ang baho ng kapaligiran.

Pumasok na ko sa isang sikot ng kanto kung saan nakapwesto ang maliit kong apartment na inuupahan.

Kwarto-kwarto lamang ang apartment dito. Pero yung pwesto ng kwarto na para sa akin ay nasa pangalawang palapag, buti nga at may sari-sariling palikuran din.

Inayos ko na ang maliit kong hapag kainan. Mag-isa na naman akong kakain. Minsan nagtataka ako kung bakit hindi ako nasasanay na mag-isa lang ako sa buhay. Pag ganitong tahimik, naaalala ko lang mga magulang ko.

Tahimik lang akong kumakain. Nag-isip na lang ako ng mga bagay na gagawin ko bukas para maiwasan kong maging malungkot.

Biyernes na bukas. Isang araw na lang ang pasok ko. Sa Sabado at Linggo magpapartime job ako sa isang maliit na restaurant sa bayan, para naman makaipon ako ng pera. Kung minsan kasi kapag may malaki akong kita pinapadalhan ko ng pera si Auntie Madel, pasasalamat na din.

Mga two years na din akong hindi umuuwi sa probinsya namin. Kinokontak ko na lang minsan si Auntie Madel kapag nangungulila ako. Laking pasasalamat ko nga at hindi ako kinakalimutan ni Auntie.

Pagkatapos kong kumain, inayos ko na lahat ng pinagkainan ko. Naglinis na ko ng sarili ko. Nilock ko na ang pinto ng maliit kong kwarto.

Inayos ko na ang papag ko. Wala syang kutson, banig lang at pinatungan ko lang ng kumot.

Nakakaramdam na ako ng antok. Umayos na ko ng higa. Pumikit ako at malalim na huminga. Nagsign of the cross din ako.

Mga ilang segundo akong nakapikit. Biglang sumagi sa isip ko ang mga mata ni Kenlerr.



Mabilis akong dumilat. Bumagal bigla ang paghinga ko.

Ano bang nangyayari sakin?










_______________
jaye.celteñedo

Naiinis na Note;

May gustong magnakaw ng kwento kong ito. Grabi sya! Wala pa ngang isang milyon ang reads nito may nagtatangka na agad?! Paabutin nyo naman muna eh!
Anyway, Thank you sa 100+ na reads :)

JCEL








Say you'll never goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon