8

26 1 0
                                    

Parang ayokong pumasok ngayon. Feeling ko lalagnatin ako, pero nakabihis na ako ng shool uniform ko at nakaharap na ako sa maliit kong salaminan na nakadikit lamang sa dingding kong semento.

Hindi ako mapakali. Marami pang sinabi sakin si Mam Loyra kahapon na hanggang ngayon kinaumagahan na ay dinadamdam ko pa rin. Hindi pa ako sigurado kung si mukhang anghel at ang pamangkin ni Loyra na si Kenlerr Lyefore ay iisa.

Pero nagkakaroon na ng idea ang utak ko kung ano ang posibleng mangyari sakin sa gagawin kong pagmamatyag.

At sigurado akong mahihirapan ako.


Huminga ako ng malalim. Kaya ko ba to?



Madaming lumilipad sa utak ko.

'Sana hindi sya pumasok.
'Sana hindi sya yun.
'Sana hindi na matuloy.

Napapakunot ako ng noo. Paano ko ba sisimulan to? Pero madali lang naman kasi to, eh. Magsusulat lang naman ako ng bagay na ginawa ng Kenlerr na yun, yun lang. Hindi naman required na lapitan ko sya, o kausapin.

Magsusulat lang ako. Yun lang.

Isa pang malalim na paghinga ang pinakawalan ko bago ako lumisan sa aking maliit na apartment.

Diretso ko lamang na nilakad ang dalawang kanto ng barangay na tinitirahan ko. Lakad na din akong nagsimulang pumasok na sa Lyefore.

Parang bawat hakbang ko, bumibigat ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam din ako ng takot

Mga dalawapung minuto ang nilalakad ko papunta sa Lyefore. Mahigpit kong hawak ang strap ng shoulder bag ko. Tikom ang mga bibig ko. Naglalakad akong nakayuko.

Sa ganitong ayos ko, para akong takot sa mundo, takot sa tao.

Kung minsan dahil sa paglalakad kong nakayuko, nakakabangga na pala ako.










*
"Im Kenlerr Lyefore. Thats all"

Napatigil ako mula sa pagsusulat sa notebook ng marinig ko na may nagpapakilala. Mabilis akong napatingin sa unahan ng klase ng marinig ko ang pangalan na yun.


Say you'll never goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon