6

24 1 0
                                    

Naguguluhan pa rin akong naglalakad papuntang guardhouse. Kung tutuusin hindi mahirap ang pinapagawa sakin ni Mam Loyra, pero para kasing mabigat na reponsibilidad ko yun. Ayoko pa namang madaming aatupagin.

Gusto ko na pagkatapos ng klase diretso na agad akong uuwi.

Inalis ko na muna ang isiping magiging secret investigator ako sa utak ko. Matagal pa naman siguro bago ako pagsimulain dun ni Mam Loyra.

Nagfocus na lang ako sa paglalakad. Madami ng tao sa guardhouse, gusto na rin ng ibang estudyante na umuwi na, kung minsan naman mga estudyante dito gusto ng umuwi para makapaglakwatsa lang.

Pagkalabas ko ng school nagsimula na lang akong maglakad ulit. Mas makakatipid ako kung lalakarin ko na lang pauwi, total malapit lang naman talaga dito sa Lyefore ang apartment ko.



Napabuntong-hininga ako.

Ang hirap pag mag-isa ka lang sa buhay. Uuwi ka galing sa eskwela, makikita mo lang ang apat na sulok ng bahay nyo. Tahimik. Wala kang makausap. Sobrang namimiss ko na sina Mama at Papa.

Katorse anyos pa lang ako wala na akong magulang. Naiwan ako sa mga tiyahin ko. Laking pasasalamat ko naman at tinanggap nila ako. Sila ang nagpa-aral sakin ng high school, pero para naman makaiwas pa sa laki ng gastos, nagwoworking student na rin ako noon.

At ngayon namang college na ako, nagpaalam ako kina Auntie Madel na pupunta ako dito sa Maynila para nga makapag-aral dito sa Lyefore University. Nung una, ayaw nilang pumayag dahil malayo daw at delikado. Pero pinilit ko talaga sila na payagan ako, sabi ko ako na lang ang bahala. At isa pang nilang dahilan dahil ayaw nila akong payagan sa pagpunta dito sa Maynila ay dahil hindi na daw nila ako kayang pag-aralin pero sinabi ko naman sa kanila noon na ako na rin ang bahala.

At ngayon, talagang pinaghusayan ko talaga. Dinoble ko ang pagtyatyaga sa pagtatrabaho, sa eskwela naman todo aral ako. Kahit na hindi kataasan ang mga grades ko, okay na rin yun huwag lang talagang bumagsak.

Makagraduate lang talaga ako okay na.  Masuklian ko naman ang binigay na tulong sa akin nina Auntie Madel at matupad ko ang pangarap sakin nina Mama at Papa.


Wala akong inatupag kundi pag-aaral at pag-tatrabaho lang. Ni hindi hinagap ng utak ko ang pakikipag relasyon. Bata pa naman ako, makakarating din ako sa bagay na yan sa tamang panahon.








Dire-diretso lang ako sa paglalakad. Malapit na akong makalabas sa subdivision ng Lyefore. Bali ang school na to ay nakapwesto na parang isang malaking bahay na nakatayo sa subdivision pero ang kaibahan lang ay sulo lang na nakatayo ang Lyefore sa malawak na subdivisiong ito. Bukod pa ang main gate na unang pasukan ng mga estudyante sa entrance gate na may seguridad na talagang estudyante ng Lyefore ang papasok.



Maraming kotse na ang nadaan sa kalsada na kalapit ko, kaya todo tabi ako at baka mahagip ako ng mga sasakyang nadaan. Delikado pa naman at may mga estudyanteng malalakas ang trip.


Patuloy pa rin ako sa paglalakad, kapit ko ng mabuti ang strap ng shoulder bag ko. Sa katunayan ako lang talaga ang naglalakad na estudyante dito sa hallway ng subdivision. Yung iba kasi may sasakyan, o may sundo, eh ako naman wala. No choise din naman ako kasi talagang kailangan lakarin ko to pauwi.









Tahimik lang akong naglalakad, malapit na ko sa main gate ng subdivision, ng may malakas ng bumusina.


Sobrang lakas talaga na napatigil ako sa paglalakad.

Nilingon ko ang padating na sasakyang patuloy pa rin ang pagbusina. Wala namang ibang sasakyan bakit ang lakas-lakas pa rin nitong bumusina, ni wala ngang kasunod


Naisip ko na, baka mga estudyanteng malalakas ang trip na naman ang sakay ng kotseng ito.


Nang malapit ng dumaan ang kotse sa gilid ng kalsadang kinatatayuan ko, hinanda ko ang sarili ko para tignan kung sini ang sakay nito.



Nang makadaan ang sasakyan, buti na lang at nakababa ang bintana ng sasakyan
na nakita ko kung sino ang sakay ng kotse.




Nakita ko ang nasa driver ay si Luiz, sa pasengger seat malapit sa bungad ko ay ang kabarkada nya pang isa na hindi ko naman kilala. Sa backseat naman malapit din sa bungad ko ay ang isa pang kabarkada ni Luiz na hindi ko alam ang pangalan pero kilala ko lang sa mukha. Mga nagtatawanan sila.

Mabilis ang pagdaan ng kotse sa harapan ko pero nakita ko pa rin kung sino ang isa pang sakay sa backseat sa likuran ni Luiz.




Mabilis na naman na tumibok ang puso ko. Nakita ko na ang isa pang sakay ng kotse ay ang lalaking




mukhang anghel.



Napanga-nga ako sa nakita ko dahil nakatingin sya sakin.










Kahit nakalampas na ang kotse, hindi ako makapaniwala. Namamalikmata lang ba ako?












______________________
Jaye.celteñedo



Akala ko kapag Sunday na, less ang stress sa school, hindi pa pala.

Thank you sa reads.







Say you'll never goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon