Chapter 01

164 5 0
                                    

Third Person's POV



Isinuot ni Blake ang kanyang shades at huminga ng malalim pagkalabas niya ng airport. It's been 5 years simula ng pumunta siyang States at ngayon ay nakabalik na siya ng Pilipinas.




"I missed this place." Bulong niya sa sarili habang lumilingon lingon para hanapin ang kanyang mga kaibigan na susundo sa kanya dito sa airport.




"MASTER!!"



"BLAKE!!"



"PADILLA!!"



Napalingon siya nang marinig na niya ang sigaw ng mga maiingay niyang kaibigan. Sina Kats, Lester, Shean at ang kapatid na si Carlo.



Sinalubong niya ang mga ito at isa-isang nakipag-apir sa kanya.



"Kuya." Huli niyang nakaharap ang kapatid na si Carlo, ngumiti ito at nag bro-hug sila. "Namiss kita ah!!!" Sigaw niya at umayos na ng tayo.



"Grabe! Parang mas gumwapo ka ah!" Sabi naman ni Shean habang tinutulungan si Blake na dalhin ang mga maleta.



Ngumiti lamang ito at sumakay na sa kotse ni Kats. Sinabihan niya kasi ang mga kaibigan na sunduin siya sa airport at hindi naman nagdalawang-isip ang mga ito dahil miss na din nila si Blake. "Kamusta ka naman Master?"



"I'm good."



"Aba! Aba! Umeenglish ka Hanep porket nakapag America ka lang! Ulul don't me! Hahahaha!!"



Tumawa si Blake at sinapak si Lester, "Gago. Ayos naman, namiss ko din kasi kayo kaya umuwi na ako." Simpleng sabi ni Blake at inilabas ang cellphone niya. Humarap siya kay Carlo na nakaupo sa tabi ni Katsumi. "How's Lolo?" Tanong niya.



"Kakalabas lang sa ospital, Kuya. Ayaw pa nga niya nung una na magpaconfine kaso pinilit nina Papa kaya pumayag na din." Paliwanag niya, "Pero nakabalik na sila ni Lola sa probinsya, mas komportable daw kasi sila don kesa sa mansyon."



Ang Lolo din niya ang dahilan kung bakit siya umuwi, nung malaman niyang may sakit na ito at naospital pa. Sa sobrang lapit niya sa kanyang lolo ay agad siyang napauwi nang malaman ang hindi nito magandang kalagayan.



"Tara, punta tayong probinsya!" Pag-aaya ni Kats habang nagdadrive. "Ayaw ko muna umuwi, pagaasikasuhin na naman ako ni Mama sa clinic." Pagmamaktol pa nito.



"Gago ka Kats! Buti nga tinetrain ka na ng mama mo maging doktor! Hahahaha." Pang-aasar ni Shean.



"Wag nyo ngang ganyanin si Kats, kita nyong takot yan sa dugo! Hahahaha." Nakisali na din si Carlo at binatukan naman siya ni Kats dahil magkatabi sila.



"Hoy Kats! Wag ka ngang nambabatok! Umayos ka sa pagmamaneho! Mabangga pa tayo e!"




"Oo nga!"




"Right, let's go." Napatingin sila kay Blake nang magsalita ito, "I want to visit them." Ngumiti ito kaya tumango naman sila isa-isa.



"Hindi ka ba muna uuwi kuya?" Umiling si Blake at nag-earphones na. Matutulog na sana siya ng tumunog naman ang phone niya.



"Mom." Sagot ni Blake sa kanilang linya. Napatahimik sina Shean at tumigil sa pagkukulitan.



Back off, she's mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon