Chapter 23

39 3 1
                                    

KANE'S POV

Mabilis na dumating ang araw ng Sabado. Sumaktong wala akong trabaho kaya eto at pinipilit ako nina Janella na sumama sa panonood ng game nina Blake. Pagod na pagod ang utak ko dahil sa sunod sunod na quizzes noong isang araw, kahapon ay nag over time pa ako dahil hindi nakarating yung kapalitan ko.

"Masakit ang katawan ko, pwede bang kayo na lang?" Pinasadahan ko ng tingin ang mga kaibigan kong bihis na bihis na. "Kayo na lang, please." Pagmamakaawa ko. Hindi pa dapat ako gigising kung hindi lang ako niyugyog ng bestfriend ko.

"Gosh! Wag kang KJ, friend! Magmadali ka na! Blake is waiting for you." Naghysterical si Julia, "Oh my god! Nandoon na daw sila sa venue."

"Saan nga pala ulit yon?" Napatanong si Liza. Nakaharap siya sa salamin ng aming kwarto at kinukulot yung dulo ng buhok niya. Ipinikit ko ulit ang mga mata ko at hinayaan silang mag-usap. "Kane tumayo ka na diyan! Baka mag start na ang game!"

"Sa Bliss drive lang. Malaki ang court ng lugar nila doon kaya pinili nung makakalaban nila."

Hinigit higit pa nila ako pababa ng kama kaya wala akong nagawa kundi sumunod.

Pagkarating namin ay nandoon na si Geyb sa loob, tinururo yung nireserve niyang seats para sa amin. Malaki ang court na ito, pero mas malawak pa rin ang court ng aming school. "Ang daming tao!" Humalakhak si Janella sa tabi ko. Hindi ko na pinansin ang mga taong nakakasalubong namin at naglakad na paakyat ng bleachers.

Sa first quarter ng game ay ipinasok kaagad si Nyx at Blake na salitan lang sa pagpuntos. Hindi magkandamayaw ang mga babae sa pagtili. Hindi ko alam kung para ba sa kabilang team o kina Blake? Napasinghap ako ng mag three points si Blake at nagsigawan ang mga babae.

So, siya pala talaga ang dahilan? Wala talagang patawad ang charms niya sa mga babae. Kahit saan.

Napailing ako ng suplado siyang nakipag-apir kina Les na tuwang tuwa sa nangyayari. Lamang sila sa first quarter.

"Damn you, Kats! Wag kang puro pasikat!" Sumigaw si Julia sa kalagitnaan ng laro kaya ang iba ay napatingin sa direksyon namin, "What now?"

Ngumisi si Kats at saktong ipinasa sa kanya ni Nyx ang bola. Nakangiti itong nagdribble at maya maya lang ay agad siyang nakapuntos. Naghampasan ang mga kaibigan ko at ang iba'y kinilig.

Nahagip ng tingin ko si Blake na nagtaas ng tingin sa akin at ngumiti. Ngumiti din ako pabalik at sinenyasan siyang umayos sa paglalaro. Tumango siya.

"What's the real score between the two of you, huh?" Kinurot ako ni Geyb sa tagiliran.

"Magkaibigan kami." Yun ang totoo. May usapan kami, alam ko yon pero sinabi naman niyang maghihintay siya kaya susubukan ko.

Nang mag time out ang kabilang team ay kinulong na ako ng mga kaibigan ko sa mga tanong nila at napangiwi pa ako. "Kailangan ko ba talaga kayong sagutin dyan?"

"Of course! We are your friends! Nakaka curious na kayong dalawa e!"

"Yes, tama ka Julia! Something fishy! Nililigawan ka na ba niya?" Tanong ni Janella, wala talaga silang preno sa mga bibig nila.

Sumulyap ako sa court at kanya kanya silang upo sa benches. Naghahabol ng hininga. Kita ko si Blake na hinalungkat ang bag niya at nagpipindot sa phone niya. Ilang saglit lang ay nag vibrate ang akin at alan ko na agad kung sino iyon.

Back off, she's mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon