Chapter 21

29 3 0
                                    

LIZA'S POV

Hindi na siya nakatanggi ng nagpalakpakan ang mga kaibigan namin at naghiyawan pa. Kinuha niya yung mic kay Kats pero hindi niya inalis yung braso niya sa mukha niya. Nakapikit siya nang magsimula siyang kumanta.

I've known you for so long

You are a friend of mine

But is this all we'd ever be?

Natahimik kaming lahat dahil sa lamig ng boses niya. Idagdag mo pa yung pamamaos niya dahil sa pagkakainom niya kanina. Umayos ako ng upo pero hindi naalis sa kanya yung titig ko. Bibig lang niya yung gumagalaw upang kumanta at sinasabayan nang malalim niyang paghinga.

I've loved you ever since

You are a friend of mine

But babe, is this all we ever could be?

Masyadong mabagal yung kanta kaya damang dama ko yung nais ipahiwatig niya. Nakikisabay yung meaning ng kanta sa nararamdaman niya. Matagal ko ng pansin ang pagkagusto niya kay Kane. Paano? Dati pa lang ay natuon na sa kanya ang atensyon ko na kahit kailan ay hindi naman niya nasuklian dahil lahat ng sa kanya ay na kay Kane.

Siguro ay walang nakakapansin sa meaning kanta kahit si Kane, dahil hindi naman nila alam yung nararamdaman ni Nyx. Napaayos ako lalo ng tayo dahil hindi nakalampas sa paningin ko yung isang butil ng luha na tumakas sa mata niya. Hindi niya iyon pinunasan dahil hindi man lang siya gumalaw. Walang nakapansin kundi ako dahil busy silang lahat sa pakikinig.

You tell me things I've never known

I've show you love you've never shown

But then again, when you cry, I'm always at your side

You tell me 'bout the love you've had

I listen very eagerly

But deep inside you never see

This feeling of emptiness you make me feel sad

Napuno ng hiyawan ang VIP room nang asarin nila si Nyx. Nanguna pa sa kulitan si Kats na kanina pang abot ng abot ng shot sa amin. Halos ibato ko na sa kanya yung baso sa sobrang hilo ko. "Yoko na." Mahinang sabi ni Nyx na nakahiga pa rin sa tabihan ko.

"Kane! Inom ka!" Pinilit nila si Kane uminom pero hindi ko na pinansin iyon. Tumagilid ako para titigan si Nyx.

He really has a handsome face. Napangiti pa ako nang marahan siyang ngumuso at napangiwi pa dahil siguro sa alak. Bahagya siyang gumalaw kaya dahan dahan ding bumagsak yung kamay niyang nakapatong sa mukha niya. Now he's face is fully exposed!

Naramdaman ko ang kalabit ni Kane na nasa kabilang side ko. Nakangiti akong lumingon sa kanya. "Lasing na ba?" Turo niya kay Nyx.

Tumango ako. "Weak." Tumawa ako kahit na masyado akong nabingi sa lakas ng boses ni Les! Natatawa kaming bumaling sa kanya na hawak hawak yung mic at hinaharana si Janella.

"Lasing ka na e!" Tumawa si Janella, "Tumigil ka na."

Napailing ako sa mga kalokohan nila. Boys really go crazy when drunk. Well, yeah, yung iba lang pala. Lumingon ulit ako sa kanya. Ang iba ay natutulog lang kapag nalalasing.

Hindi ko alam kung gaano pa kami nagtagal sa bar pero nagtayuan rin kami nang magyaya na si Misty. Lahat ng boys ay nakahiga na sa couch at si Blake na lang yung natirang matino at mukhang walang tama. Iba na talaga pag laki sa ibang bansa. Party and booze!

"My god, Kuya wake up! Don't tell me bubuhatin kita papunta sa van? Tumayo ka dyan or sisipain kita palabas!" Nakita ko ang marahang pagsampal ni Misty sa mukha ni David. "Shit! I won't let you drink next time!" Nanlaki ang mata ko ng buhusan niya ang kuya niya ng malamig na tubig at agad napatayo si David.

Back off, she's mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon