Chapter 11

44 4 0
                                    

KANE'S POV

Naguguluhan akong lumapit sa kanya at inayos yung nagulo kong buhok. Umayos din siya ng tayo at tinanggal yung shades niya. "Anong ginagawa mo dito?"

Nakakapagtaka lang na nandito siya ngayon. I mean, hindi nga kami nag-uusap e tapos bigla ko siyang makikita dito ngayon na nandito. Alam kong alam niya yung dorm na to dahil siya naman ang tumulong sa akin na makalipat dito.

"Uhm, I just dropped by. I' m just wondering if we can go for a walk?"

Nagyaya siyang maglakad lakad muna? Nagulat pa ako saglit pero tumango din naman agad ako at nakarating kami sa pinakamalapit na park. Madaming couple ang nadito dahil magkakaholding hands sila.

Yung iba namang babae ay mapapalingon pa kay Blake sabay maghahampasan pa at kikiligin. Napailing na lang at hinaplos haplos yung braso ko. Mahangin kasi dito sa park kaya medyo nilalamig ako.

Naupo kami sa bench at tahimik lang kaming dalawa. Nagulat naman ako nung pinatong niya sa balikat ko yung leather jacket niya. "You're cold." Tinuro niya yung jacket na nakapatong sa balikat ko kaya sinuot ko naman. "Salamat. Hindi ka ba nilalamig?"

"I'm fine." Pinagsaklop niya yung dalawa niyang kamay at nagtingin-tingin sa paligid. "Are you ready for classes tomorrow?" Biglang tanong naman niya.

"Oo. Ikaw? Saan ka nagpa-enroll?"

"Plankton. Shean insisted to study there."

Dun din pala sila. "Ah. Buti naman pumayag ka. Diba pinag-iisipan mo pa na doon pumasok?"

"Yeah, I have no choice because they already enrolled me."

"Ganun ba kadali para sa inyo na magpa-enroll? Basta may pera, okay na?" May dumaan na mga babae at lumapit kay Blake. "Hiii! Are you Blake Padilla?" Kinikilig na tanong nung babaeng kulot. Blonde ang buhok niya at sobrang ikli ng suot niyang dress.

Napalayo naman agad ako ng upo kay Blake dahil bigla silang sumiksik at tumabi sa lalaking kanina lang ay katabi ko. Grabe. Sikat ba talaga si Blake dito?

Kumunot lang ang noo ni Blake at tumango.

Nagtilian naman yung mga babae at sunod sunod na silang nadagdagan ang mga nasa harapan ko.

"May we know who is she? Is she your cousin or what? Your friend?"

"You don't need to know. Leave." Cold na sabi niya.

Nag cross arms yung babaeng kulot at sumandal kay Blake. "Hmm. Stop being rude, Blake. We're just asking who is she? Another chick huh? So who's next?"

Magkakilala ba sila? Madami bang nagiging babae si Blake? Hindi naman ako stupid para hindi maintindihan yung nais iparating nung babae sa tanong niya.

Tumayo si Blake at hinigit ako. Nagulat naman ako ng akbayan niya ako at iharap dun sa mga babae na kumakausap sa kanya. Sinamaan naman bigla nila ako ng tingin at inirapan. "She's my girlfriend." Sabi ni Blake doon sa mga babae na ikinagulat ko. Girlfiend?

"Let's go, babe." Dagdag pa niya at umalis kami dun sa mga tumpukan ng babae.

Lumingon ako sa kanila at nakita na mukha silang gulat na gulat at mga naka-cross arms. Kinabahan naman ako at tumingin kay Blake. "Bakit mo sinabi yun?" Hindi siya sumagot pero tinanggal na niya yung pagkakaakbay niya sa akin. Nagpamulsa ulit siya at seryoso lang na naglakad. "Huy! Sagutin mo ako!" Naiinis na ako. Paano kung awayin ako nung mga babae doon?

Back off, she's mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon