Chapter 13

115 2 10
                                    

KANE'S POV

Tahimik kong nginunguya yung biscuit habang nakatingin lang sa kanya. Hawak niya yung iphone niya at doon lamang nakatingin.

Ang tangos pala ng ilong niya. Yung pilikmata niya mahaba, parang sa babae. Hindi nakakunot ang noo niya ngayon pero hindi din naman nakangiti. Steady lang. Nakatikom din yung bibig niya kaya kitang-kita yung sobrang nipis niyang labi. In short, gwapo siya pag naka-side view. Ay scratch that, gwapo naman siya kahit saang anggulo tingnan.

Nanlaki naman yung mata ko nang magsalita siya, "Stop staring, Jasper." Napaiwas ako ng tingin at kinagat na yung huling biscuit na binigay niya. Aish! Nakakahiya naman. Pansin ba niyang tinitingnan ko siya? Pero teka? "Jasper?" Tanong ko sa kanya.

Lumingon siya sa akin, "You left your I.D in my car.." May kinuha siya sa bulsa niya at inabot yung i.d ko nung highschool. Hay! Ayaw ko kasi ng tinatawag ako sa pangalawang pangalan ko. Lumapit siya sa akin, "Are you done?"

Tumango ako kaya inabot naman niya sa akin yung gamot at tubig. "Now, drink."

Nang matapos kong inumin yung binigay niya ay tumingin ako sa kanya. "Salamat ah? Bait mo naman."

Hindi siya nagsalita pero umirap lang. Saglit kaming natahimik pero lumabas din agad siya ng room nang mag-bell na. Pupunta na siguro sa next class niya. Lumabas ako ng room at nagulat ng may humawak sa braso ko. "Blake? Nakakagulat ka naman e!" Hinampas ko siya sa braso at agad nanlaki yung mata ko, "Ay sorry! Sorry! Nabigla lang ako." Baka kasi magalit siya sa biglaang paghampas ko.

"That's okay." Hindi ko inaasahan yung pag ngiti niya. "Free cut. Let's go?"

Ha? Free cut? May meeting ba ang mga teachers? Pero teka? Saan kami pupunta?

Hinila niya ang braso ko at naglakad kami. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami dito sa rooftop. "Wow." Ang tanging nasabi ko pagkabukas ng pinto. "Ang ganda naman dito." May magandang view kasi dito na makikita pag nasa rooftop ka.

"Do you like it?"

"Oo naman." Naupo ako sa bench dito sa rooftop at tumabi naman siya sa akin. "Bakit mo ako sinama dito? Wala ka bang pupuntahan?"

Curious lang naman ako. Free cut kasi. Ibig sabibin, walang klase. Pwedeng makagala ang mga estudyante kasi maaga pa naman para sa uwian. At baka may pupuntahan si Blake. Ako, pwede naman akong dumiretso sa library para magbasa.

Umiling lang siya at humiga sa bench. Ginawa niyang unan ang bag niya kaya nasa magkabilaang dulo kami. Hindi niya sinagot yung tanong ko. Siguro wala nga siyang pupuntahan.

Nagkibit balikat na lang ako at naglabas ng libro. Walang maingay. Perfect place para mag-aral.

"You really like school." Napatingin ako sa kanya nang sabihin niya yon. "Studying. Reading. Listening to our professors." Tumawa pa siya na para bang hindi makapaniwala na gustong gusto ko ang mag-aral.

Saglit akong walang imik. Nakakapanibago na naman siya. Hindi ako makapaniwalang kinakausap niya ako ng ganito. Simula kasi nung pumunta kami dito ni Janella ay naging casual lang siyang makipag-usap sa akin. Minsan tatanguan lang niya ako, minsan naman ay kaunting salita lang ang lalabas sa bibig niya. Hindi tulad nina Lester na nagagawa ng makipagbiruan sa akin.

Ang huli kasi naming pag-uusap na mahaba ay nung nasa probinsya pa kami.

Hindi lang siguro ako komportable na siya pa ang naguungkat ng pag-uusapan. Siguro ay kailangan ko ng masanay na pabago bago ng mood niya. Sa tingin ko naman ay matuturing ko na siyang kaibigan diba? Lagi ko na rin naman silang kasama nina Les.

Back off, she's mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon