Chapter 17

28 3 0
                                    

KANE'S POV

"Paano niyo nga pala nalamang nandito ako sa clinic?" Umayos ako ng upo. Ayos na ang pakiramdam ko. Kayang kaya ko na ring magtrabaho mamaya pero kung magpupumilit lang ako ay magagalit lang sa akin si Janella at Nyx.

Halata sa mga mukha nila na hindi sila natuwa sa nangyari sa akin. Pagkapasok kanina ng lecturer namin sa second subject ay bigla na lang akong nakaramdaman ng hilo at bago pa ako makatayo para mag-greet sa lecturer ay natumba na agad ako.

Hindi ko alam kung sinong nagdala sa akin dito sa clinic pero nagpapasalamat ako kung sino man yun.

Tumingin ako kay Blake na abala pa din sa pagcecellphone. Simula ng magising ako kanina ay busy na siya sa cellphone niya, hanggang sa umalis ang mga kaibigan namin ay ganoon pa rin siya. Busy kaya siya?

Nag-angat naman siya ng tingin nang mapansin niyang pinagmamasdan ko siya. Tumitig lang siya sa akin kaya inulit ko yung tanong ko. "Paano niyo nalamang nandito ako sa clinic?"

Marahan niyang itinago sa bulsa niya ang phone niya at nakita ko ang paggalaw ng lalamunan niya. "Geyb texted me." Simpleng sabi niya. Tumayo siya at dumiretso sa mini table katabi ng kamang inuupuan ko. Nakatingin lang ako sa likod niya at saglit ko pa siyang sinulyapan at nakita ko na may hawak siyang apple at kutsilyo. Nang matapos niyang balatan yung apple ay humarap na ulit siya sa akin at inabot yung apple. Nakangiti ko itong tinanggap. "Are you really okay now?"

Tumango ako. "Okay na okay na." Kinagat ko yung apple. "Salamat."

Hindi siya nagsalita. "Kamusta pala ang exam mo?" Tanong ko. Mukhang wala siyang sasabihin e. Hindi ko naman alam kung ano bang dapat kong gawin. Sinabi niyang sasamahan niya ako dito dahil wala siyang klase. Parang ang rude naman kung paaalisin ko siya. Isa pa, maiinip lang din ako kung wala akong kasama. "Busy ka kanina sa cellphone mo. Sinong katext mo?"

Bumaling siya sakin. "I'm playing COC. I'm not texting anyone." Paliwanag niya at nagkatitigan kami. Una akong nag-iwas ng tingin at pinagpatuloy ang pagkain sa apple. "Okay lang naman yung exam. Nakasagot ako." Sagot niya sa tanong ko kanina.

Nang dahil sa sagot niya ay tumingin ulit ako sa kanya at hindi ko napigilan ang mahinang pagtawa. Kumunot ang noo niya sa naging reaksyon ko, "Kailan ka nga ulit huling nagtagalog bukod sa sagot mo ngayon?" Pang-aasar ko. Natatawa talaga ako kapag nagtatagalog siya.

"What? Bawal ba akong magtagalog?"

Umiling ako agad. "Hindi." Natatawa pa rin ako. Itinigil ko muna ang panguya dahil mabibilaukan lang ako kapag pinagpatuloy ko pa. "Sa sobrang tagal mo kase sa States ay halatang sanay na sanay kang mag-english. Sa tagalog ka pa talaga nahihirapan."

"Hindi ako nahihirapang magtagalog." Umirap siya at nag-cross arms. Natawa na naman ako sa pagsusungit niya. "I can speak both. I can speak in English. Kaya ko ring magtagalog."

Tumango na lang ako para hindi na siya magsungit. Tumagal ang usapan namin ng isang oras. Pumasok din yung nurse na nag asikaso sa akin kanina at may pinapirmahan bago sinabing pwede na raw akong umalis.

Dahan dahan akong tumayo sa pagkakaupo sa kama at nakita ko naman ang pagdadalawang isip ni Blake na tulungan ako. Mukha kasing naguguluhan siya kung hahawakan ba niya ako sa braso o hindi. Kaya sa huli ay tumayo lang siya sa gilid ko para suportahan ako.

Humarap ako sa kanya at ngumiti. "Ayos naman na ako. Salamat." Tumango lang siya at sabay kaming naglakad palabas.

"Mr. Padilla!!" Sabay kaming napalingon nang may tumawag kay Blake. Nanggaling iyon sa field at namukhaan ko yung coach ng basketball. Naka jersey ito at matikas na matikas ang dating. Matanda na ito ngunit hindi halata sa tindig niya. May hawak itong bola at naglakad siya palapit sa amin.

Back off, she's mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon