Chapter 03

71 2 0
                                    

KANE'S POV




"Dito ako lagi pumupunta kapag bored ako. Favorite place ko kasi tahimik at peaceful." Naglakad pa kami papasok at nakarating na kami sa perfect spot.

Ilang minuto rin kaming naglakad lakad at ramdam ko yung pagiging tahimik niya. Hindi siya palasalita. Kung tutuusin ay hindi naman dapat kami magkasama at nag uusap ngayon dahil kahapon pa lang kami unang nagkakilala.

"Aren't you scared?" Nagtataka niyang tanong. Inalalayan niya ako sa pagtapak sa malalaking bato. "Parang delikado e." dagdag pa niya.




Umiling lang ako. "Sanay na naman ako e. Saka, mababait naman ang tao dito sa amin, hindi rin ako nagpapaabot o nagpapalipas ng gabi dito. Kasama ko rin minsan yung bestfriend ko na si Janella." Ngumiti ako at pumikit.




Sumulyap ako sa kanya at nakita kong nakapikit na din siya, "Ah, so relaxing." Mahinang sabi niya.





Buti naman komportable siya.




"Walang ganito sa Manila either in States, the places their are so polluted." Tumawa pa siya at nagmulat ng mata, "I wonder why gustong gusto mo talaga dito."




"Oo. Mas tahimik kasi dito sa probinsya at hindi masyadong complicated ang mga bagay. Simple lang ang buhay."





Binalik ko ang tingin ko sa magandang ilog at nagpadala sa simoy ng hangin.





Napamulat naman ako nang magtanong siya, "Is it possible for a a guy to like a girl in an instant?"




Napaisip ako, "Posible naman. Pwedeng humanga lang siya or may mga bagay siyang nagustuhan about dun sa babae." Kinuha ko yung bato at tinapon sa malayo, "Ikaw? Naniniwala ka ba sa love at first sight?"




"I don't know." Tumingin siya sakin at biglang umiwas, "Maybe."




Nagkibit-balikat na lang ako at hinatak na siya patayo. "Tara? Punta tayo sa hiding place ko! Hahaha." Tumakbo kami palabas ng ilog at nag-stop sa may clubhouse.

Napatigil ako sa pagtakbo nang maramdaman ko ang pagbagal ng lakad niya. Nilingon ko siya at naabutan ko ang pagtingin niya sa kamay kong nakahawak sa palapulsuhan niya.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko at mabilis na uminit ang pisngi ko. Nahihiya kong binawi ang kamay ko kaya nag-angat siya ng tingin sa akin. "S-sorry." Pinilit kong ngumiti.

"It's okay." Nagpamulsa siya at nag-iwas ng tingin, "Let's go?"

Dahan dahan akong tumango at sabay kaming tumakbo.


Lugar to kung saan puro bata lang ang makikita, may playground kasi pero napapalibutan naman ng mga benches. Naupo kami sa pinakadulong bench at saka ko lang napansin na hingal na hingal pala siya, "Naku! Sorry! Di ko alam na mabilis ka pala mapagod!" Inabot ko sa kanya yung dala kong face towel at agad naman siyang nagpunas ng pawis, "No, it's okay." Ngumiti siya para siguraduhin ako na ayos lang siya.





"Pag talaga mayaman, hindi sanay mapagod."




"That's not true." Pagtanggi naman niya na tinawanan ko lang.




Sandali kaming natahimik at nagpahinga sandali. Malakas din ang hangin dito at puro takbuhan ng mga bata yung makikita mo, yung iba pala ay naglalaro sa playground. "Do you have a boyfriend?"




Back off, she's mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon