Chapter 26

57 2 3
                                    

KANE'S POV

"CONGRATS!!" Sabay sabay naming sinalubong ang mga kaibigan namin pagkatapos ng isang mahabang bell. Hudyat ito na tapos na ang laban. "Ang galing niyo!!" Nagtatalon pa si Geyb at hinatak siya ni Carlo para yakapin.

Hinigit din ako ni Janella at nagyakapan kami nina Nyx.

"Group hug!!!" At nagyakapan kaming lahat. "Shean at Blake! Wag kayong KJ! Dito na kayo!" Kumunot ang noo nilang dalawa pero wala na rin silang nagawa ng hatakin sila ni Kats. Tumama sa likod ni Anikka si Shean at napangiti ako ng pumula ang pisngi nila parehas.

Sa gilid naman ng paningin ko ay napansin ko ang pagsulyap sa akin ni Blake. Humarap ako sa kanya at ngumiti, "Congrats."

Ngumiti rin siya ng tipid at nagpunas ng pawis, "Thanks."

Sabay kaming umupo sa malapit na bench. Nagkakagulo pa rin sila sa court at hindi pa rin matigil ang hiyawan ng mga estudyante para sa team nina Blake. Nag-angat ako ng tingin sa bleacher at nakita doon ang team nina Kevin. Nag-iwas na lang ako ng tingin.

"Mamaya ang awarding diba?" Tanong ko at tumango siya. "Grounded pa din ba si Misty?" Naalala ko lang yung sinabi ni Kevin na nagbreak na raw sila, gusto kong malaman kung ayos lang ba si Misty. Ano kayang nararamdaman niya?

"I think so. Hindi pa ulit ako nakakapunta sa kanila." Sagot niya. Tumingin siya sa akin at kumunot ang noo. "Are you close with Misty's boyfriend?"

Ha? Naguguluhan akong tumingin sa kanya sabay umiling. "Hindi naman. Nagkakausap lang kami."

"Stay away from him." Magsasalita pa lang ako pero hinigit na niya ako patayo, "Let's go."

Pumunta kami kina Les na ngayon at nagpipicturan na. Sa likod nila ay si Misty na kapapasok lang ng gym. Nakasuot siya ng shades at nagpagupit ng buhok. Nanlaki ang mata ko at nagmamadaling lumapit sa kanya. Lumingon ako sa kinauupuan nina Kevin at nandoon pa rin sila. Nagsisimula na ring mag announce ng mga winners sa ibang sports.

"Hi Kane!" Masayang bati sa akin ni Misty. Bumaling siya sa Kuya niya na sinalubong lang siya ng tapik sa ulo. "Hey, Kuya! Congrats!" At tumingin siya sa likod ko, "Congrats, boo! Pati sa inyong lahat!"

Nakatingin lang ako sa kanya kahit noong nagkayayaan na kaming lumabas. Mamaya pa ang awarding para sa basketball kaya naman nagyaya munang kumain si Kats.

"Oorder lang kami!" Hinigit ni Les sina Katsumi kaya natatawang sumunod sina Blake. Sinundan namin ng tingin ang mga lalaki naming kaibigan na pinagkaguluhan pa sa canteen bago makarating sa counter. Napailing na lang ako at tumingin kay Misty. Kanina pa namin siyang kinakamusta.

"Bagay talaga sayo ang new hairstyle mo! Bakit ka naman nagpagupit? Miss moving on lang ang peg?" Nag-apir si Liza at Julia pero hindi ko man lang magawang makisabay sa tawanan nila.

"So how's life, Misty? I heard from your Kuya na nagrounded ka raw. What happened?" Tanong naman ni Anikka.

"Long story, girls." Sa wakas ay nagsalita si Misty. Tinanggal niya ang shades niya at nanlaki ang mata ko sa pugto niyang mata. "We broke up..." Kahit alam ko naman na yung tungkol doon ay nagulat pa rin ako dahil totoo nga. Kay Misty na mismo nanggaling. Kahit wala akong kinalaman sa relasyon nila ay pakiramdam ko kinabahan ako. Hindi ko alam.

Napatakip sa bibig sina Janella at kunot noo nilang tinanong ng tinanong si Misty kung ano ba ang nangyari.

"Later, girls. Kumain na muna tayo." Napagdesisyunan naming bumisita sa bahay nina Misty at doon niya ikukwento sa amin ang nangyari. Sumang ayon naman kami lahat nang dumating na sina Les dala ang napakaraming tray.

Back off, she's mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon