Chapter 20

36 2 0
                                    

KANE'S POV

Nagpatuloy sila sa inuman at nawala na sa paningin namin si Geyb at Carlo na kanina lang ay masayang nakasakay sa ferris wheel. Pinalitan iyon ni Nyx at Liza na nakapila sa bilihan ng ticket at mukhang nagtatalo na naman.

"I bet, magkakatuluyan yang dalawang 'yan." Basag ni Les sa katahimikan.

"Paano naman mangyayari yon? Mukhang hate na hate nga nila ang isa't isa e." Nakayuko na si Misty sa lamesa at gumegewang na ang ulo. "Ugh, I need to pee. Samahan moko Kuya." Tamad siyang tumayo at kinaladkad ang kuya niya paalis.

"The more you hate, the more you love. Diba Janella? Pero dahil love naman kita, the more you love, the more you love." Natatawang saad ni Les at tinawanan lang siya ni Bessy. Napatawa na rin ako dahil sa katangahang sinasabi ni Les. Mukhang tinatamaan na rin siya.

"Lasing ka na, Les. Wag ka ng uminom." Inagaw ni Janella yung shot glass kay Les at pupungay pungay siyang tumango sa bestfriend ko.

"Sige sige, hindi na. Hehe. Ayaw kong magalit ka e."

"What the fuck?" Umiling si Blake at pinagmasdan ang kaibigan niyang mukhang kinilig sa ginawa ng bestfriend ko. Napatingin din siya sa akin pero agad ding nag-iwas ng tingin. Naka-jacket ulit siya kaya naalala kong ibalik sa kanya yung jacket niya. Buti na lang ay dala ko ang bag ko. Nasa harapan ko lang siya kaya madali kong naiabot sa kanya iyon. "Thanks."

"Sayo na."

"Hindi na. Baka kailangan mo."

"Sayo na." Pag-ulit niya sa sinabi niya kanina. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at wala akong makitang bahid ng pagkalasing sa mukha niya. Sanay na sanay siyang uminom. Kahit nakailang tagay na siya ay matino pa din siyang makipag-usap. Halata. Suplado pa rin e.

Hindi na ako nakipagtalo at isinuot na lang yung jacket. Napangiwi siya at isa isang pinagmasdan sina Kats na tumigil na sa pag-inom. "Weak." Nag-chuckle siya na malimit kong makitang gawin niya.

"Malakas ka lang talagang uminom."

Magsasalita na sana ulit siya pero tumayo bigla si Kats at tumingin kay Julia. "Tara sakay tayong rides. Pampatanggal ng sakit ulo." Hindi na nakaangal si Julia ng hilahin siya patayo ni Kats. Sumunod rin si Janella at Les.

Inikot ko ang tingin ko sa lamesa namin. Ako, si Blake at Shean na lang ang natira. Lahat sila ay umalis. "Woooh. Kanya kanyang partner ah?" Tumawa si Shean at tumayo na rin. "Dyan muna kayo. Hanap lang ako ng ka-date, kingina."

Sinundan ko pa siya ng tingin at nilapitan niya yung babaeng nag-offer ng shot kay Blake kanina.

"How's your brother?"

Napatingin ako kay Blake ng magtanong siya. Alam niya ang tungkol kay Dane. Dahil siguro sa sinabi ni Les kahapon nung nagtraining sila. "Okay na siya. Nagkalagnat lang pero okay na siya kanina pag-uwi ko."

Tumango siya. "Good." Nilagok niya yung last na shot sa bote. Ngumiwi siya at sa unang pagkakataon ay nakita kong medyo tinamaan na siya. Sinipsip niya yung lemon at pinapak yung nachos na nasa mesa.

"Buti naman naisipan mong sumali sa team." Maya maya ay nagsalita ako. Hindi siya tumingin sa akin pero ramdam kong nakikinig siya. Tuloy lang siya sa pagpapak nung nachos. "Ang galing mong magbasketball."

Simula kahapon ay hindi na ulit kami nakapag-usap ng maayos. Kanina naman nung bumiyahe kami ay mabilis lang ang naging usapan namin. "Napilitan ka lang bang sumali?" Dagdag ko pa.

"Kinda. I'm bored. I need a diversion."

"At yung basketball ang naging diversion mo?"

Back off, she's mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon