Chapter 05

65 1 0
                                    

KANE'S POV


Habang naglalakad kami ni Nyx ay wala na kaming ginawa kundi magkwentuhan at mag-asaran.



Ano pa nga bang magagawa namin?



"Totoo naman kasi, may balat ka sa pwet! Kaya laging nafa-flat yung mga sinasakyabddbdbdhn nating tricycle."



Hinampas ko siya nang malakas, "Ay grabe ka naman. Wala kaya!" Pagtanggi ko kasi totoo naman. "Baka ikaw diyan."


"Wala hoy!"


Tumawa siya at nakarating kami ng bahay, "Hoy Dane! Kamusta?" Sinalubong kami ng kapatid ko at naghigh-five sila ni Nyx.



"Kuya Nyx! Tara sa loob, gutom na ako e! Ang tagal niyo." Nag-cross arms ang kapatid ko habang nakataas ang kilay.



"Aba. Hoy bata, ang hirap hirap kaya makipagsiksikan don sa palengke no?! Buti na lang nakita ko tong Ate mo, kung hindi, nakikipagtawaran pa din yan hanggang ngayon para maiuwi yung isda na gusto mo!" Tumawa siya at binuhat din si Dane papasok.


"Talaga? May isda?" Excited na tanong ni Dane. Tumango naman si Nyx, "Oo! Kaya wag kang makulit! Ang bigat bigat mo!"


Napatawa na lang ako sa kakulitan nila.


"NANAY! NANDITO PO SI KUYA NYX!" Sakto namang lumabas si Nanay at may hawak pa siyang baso. Umiinom ng kape.


"Nyx, nandiyan ka pala. Kamusta ka naman?" Lumapit ako kay Nanay at nagmano.


Narinig ko pa silang nag-uusap pero di ko muna pinansin dahil magpiprito muna ako at alam kong gutom na ang kapatid ko.



Binuklat ko yung kaldero at nakitang nakapagsaing na pala si Nanay. Sinabi ko na naman sa kanya na ako na bahala e, ang tigas naman ng ulo. Nagpapagod na naman e.


Habang naghuhugas ako ng isda ay narinig kong tumatawa si Nanay habang siyang-siya naman magkuwento si Nyx kung paano niya napapayag si Na Linda.


Sumulyap ako saglit sa kanila at nakitang sumasayaw ulit si Nyx tulad nung ginawa niya kanina.



"Hahaha, inlove na naman ang mga babae sayo no, Kuya Nyx!" Nakikisayaw din si Dane kasi idol niya sa pagsayaw si Nyx.



Napatawa ako ng mahina.



"Aba oo naman! Pati nga ang ate mo e! Diba Kane?!" Sumigaw siya.



"Assuming!" Sigaw ko pabalik.



Tumawa sila, "O diba? Nainlove din daw ate mo? Hahahahaha. Ang gwapo ko talaga." Bilib na bilib sa sarili. Psh.



"Ang meaning ba ng assuming ay inlove?" Inosenteng tanong ng kapatid ko. Ano ba yan? Ang tali-talino ni nyx tapos kung ano ano tinuturo kay Dane.


"Joke lang naman yon! Hahahaha." Buti naman at nilinaw niya agad. "Pero hayaan mo Dane, nahihiya lang ang ate mong aminin na crush niya ako." Matapos niyang sabihin iyon ay nagtawanan na naman silang dalawa at minsan pa ay maririnig kong kinukulit nila si Nanay.

Napailing nalang ako.



Nagsimula na akong magprito at pagkatapos ay naglagay na ako sa lamesa ng apat na pinggan para sa amin.



"Kainan na!" Sumigaw ako at nagpaunahan makarating dito si nyx at Dane. Napangiti naman ako na makita silang nagkukulitan. Close na close kasi talaga sila e.



Back off, she's mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon