Chapter 18

32 3 2
                                    

KANE'S POV

Biglang pumito si coach hudyat na time-out. Nakita kong hingal na hingal na tumakbo si Carlo sa gilid ng court at doon ko lang napansin si Geyb na biglang tumayo at sinalubong ang boyfriend. "Kapagod!" Sigaw naman ni Kats at walang kahiya hiyang humiga sa gitna ng court.

"Ang baliw talaga ni Kats!" Tumawa si Julia at sumigaw, "Hoy Katsumi! Hindi mo ba alam na mukha kang tanga diyan sa itsura mo?"

Napatingin naman siya sa direksyon namen. Tumawa din si Kats at sumigaw din pabalik. "Ayos lang. Kung mapapasaya naman kita ay walang problemang magmukhang tanga."

Inasar lang namin si Julia nang pumula ang pisngi niya at binulyawan niya pabalik si Kats. Lalong dumami ang mga babaeng nanonood at hindi mawala ang iritan at sigawan nila na kalimitan ay pangalan ni Blake ang isinisigaw.

Nahagip ko siyang nagpupunas ng pawis at seryosong nakaupo at nagpapahinga. Hindi man lang siya tumitingin kahit kanino. Tinabihan siya ni David at saka ko lang siya nakitang nag-angat ng tingin at nakipag-usap sa pinsan niya.

Nagmadali akong bumaba para kausapin si Nyx. Nakita ko siyang nagpapahinga rin sa upuan. Tatanungin ko siya tungkol sa sinabi ni Liza na may iba siyang babaeng nagugustuhan. Kung tatanungin kase ako ay bagay naman si Liza at Nyx. Hindi ko lang maisip kung sino yung babaeng tinutukoy ni Liza.

"Ms. Bernardo." Napalingon ako nang magsalita si coach sa gilid ko pagkababa ko ng bleachers. Naroon agad siya sa gilid ko kahit nakita ko siyang kausap sina Les kanina sa gitna ng court. "Can we talk?"

"Tungkol saan po?" Tumingin ako sa court at nakatingin na silang lahat sa amin. Uh oh? Ano bang meron? "Ano pong pag-uusapan natin coach?"

Nabigla ako sa biglaang pagngiti niya. "I just want to thank you for convincing Mr. Padilla to join my team."

"Hindi ko po siya boyfriend coach."

"Pero hindi naman siya tumanggi nung tinanong ko kung ang dahilan ba ng pagsali niya ay ang girlfriend niya?" Naguguluhang tanong ni Coach. Tumingin siya sa gawi ni Blake at sinenyasan itong lumapit.

"Mr. Padilla, hindi mo pala girlfriend itong si Ms. Bernardo."

"Yeah. She's not." Tamad na sagot ni Blake. "She is my girl friend. There's a difference, coach."

"Oh." Napatango si Coach at nagpasensya sa aming dalawa. Iniwan niya kami nang biglang tumunog ang cellphone niya. "Excuse me."

Naging awkward ang paligid nang maiwan kaming dalawa. Kaya ayokong kami nalang dalawa e. Hindi ko lagi alam kung ano bang gagawin ko. Nang mapansin kong wala siyang balak magsalita ay naglakad na ako palapit sa court pero nabigla ako nang tawagin niya ako.

Kumalabog ng malakas ang dibdib ko nang maramdaman ko siya likuran ko. Hindi ako pamilyar sa ganitong pakiramdam at hindi ako handang maramdaman ang bagay na 'to. "Bakit?" Ginawa ko ang makakaya ko upang hindi magmukhang nauutal sa harapan niya. Tumayo ako ng ayos at hinarap siya.

"Do you like him?"

Ayaw ko mang isipin pero alam kong kilala ko kung sino ang tinutukoy niya at hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang malaman. "Sino?" Tanong ko kahit alam ko kung sino.

"My cousin."

Sabay kaming napatingin kay David na nakikipag-usap kay Les. Nauna akong tumingin sa kanya at nag-iwas lang siya. "Mabait ang pinsan mo."

"So you like him?" Ulit niya.

"Ano bang patutunguhan nitong usapang 'to?" Hindi ko maitago ang pagtataka sa tanong ko. "Hindi kita maintindihan."

Back off, she's mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon