Chapter 12

58 3 0
                                    

KANE'S POV

"Hello Nay! Opo! First day of class po namin ngayon. Kamusta po?" Pagbati ko kay Nanay nang tawagan niya ako. [Mabuti naman at okay ka anak. Ayos lang kami dito. Nasa school din si Dane.]

Napangiti ako dahil sa narinig ko. "Sige po Nay. Ingat po kayo palagi diyan ha?" Nagpaalam na din si Nanay at pinatay na ang tawag. Umupo ako ng ayos at hinintay yung pagkain namin. Nandito kami sa cafeteria at kasama ko si Nyx, Janella, Liza at Julia.

"Hay grabe! First subject, MATH! Ano namang katangahan yon?!" Nagpahalumbaba si Julia at sumimangot. "Dibale sana kung henyo ako sa subject na yon, e ayaw na ayaw ko don! Wala akong maintindihan."

Tumawa si Janella at nag-agree, "Parehas tayo! Ayaw ko din sa math. Buti na lang nga, English ang first subject namin e. Keri pa! Walang mga numbers."

"Nose bleed naman kayo! Wala rin. Parehas lang mahirap!" Sabi naman ni Liza. Kanina pa siya walang imik at parang wala sa mood. "Kainis naman! Nagpatest agad sa Math. Baba tuloy ng score ko!" Reklamo pa niya.

Tumikhim si Nyx at nagparinig, "Kung nag-aaral sana kasi, walang mahirap."

Nanliit naman ang mata ni Liza dahil sa narinig niya, "Ako ba yung pinaparinggan mo? Epal ka talaga!"

"Bakit? Tinamaan ka ba?" Uminom si Nyx sa pepsi niya dahil dumating na yung order namin. Napailing na lang ako at nagsimula ng kumain. "Problema sayo, ikaw ang epal dyan!"

"Hindi naman ako eepal kung hindi ka pangunahing epal!"

"Totoo naman sinasabi ko. Kung nag-aaral ka ng maayos, hindi bababa ang score mo kahit mahirap!"

"Edi ikaw na ang matalino! Da best ka!"

"Sadya!"

"Oo na nga! Ikaw na! Epal ka! Parinig ka pa dyan!"

"Edi inamin mo din na tinamaan ka!"

"Edi ako nga ang pinaparinggan mo?!"

Bumulong sa akin si Bessy habang tumatawa, "Ayan na naman sila." Simula kasi nang ipakilala ko si Nyx kay Liza at Julia ay hindi na nagkasundo yung dalawa. Si Liza at Nyx. Para palagi silang aso at pusa.

Napailing na lang ako at nagbuklat ng pwedeng basahin. Totoo yung sinasabi nila. First day pa lang, sandamakmak na quiz na agad. Pati yung mga minor subject ay nagpa-exam agad. Hiningan pa kami ng reaction paper about sa genetic engineering. Nakakapagtaka lang kung bakit ganun agad ang lesson namin.

Binubuklat ko pa lang yung mga notes ko sa notebook ay hindi pa rin sila matigil sa pagtatalo. Tumingin ako sa paligid at mabuti na lang ay busy rin ang lahat sa pagkukwentuhan. Normal lang na maging maingay ang paligid dahil first day of class.

"Oo. Ikaw nga. First day pa lang kasi hindi ka na nakikinig sa prof nyo." Pang-aasar ni Nyx, "Ang baba tuloy ng score mo."

"Wow ha? Bakit? Nakikinig ka ba?"

"Oo! Saka kahit hindi naman ako makinig, kayang kaya ko yung mga subject kung magpaexam man. Nag-aaral kasi ako ng Mabuti! Hindi tulad ng iba dyan."

"Nag-aaral din ako no! Excuse me?! Kaya nga nandito ako ngayon diba? Kaya nga pumasok ako!"

"Malay ko ba kung para saan ang pagpasok mo!"

Halatang naiinis na si Liza kaya ako na ang umawat sa kanila. Gusto kong mapatawa dahil sa kanilang dalawa pero hindi ito ang tamang oras. Baka magalit pa sila kapag ginawa ko iyon. "Tumigil na kayo. Pinagtitinginan na tayo oh." Totoo yung sinasabi ko. Yung mga kalapit naming table ay napapatingin na dahil sa pagbabangayan ng dalawa.

Back off, she's mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon