Chapter 19

34 3 0
                                    

KANE'S POV

"So, dito na lang muna kayo mag-stay? Maaga pa and we're all tired. We must sleep." Suggestion ni Misty pero umiling agad si Janella.

"Sa amin kami uuwi nina Liza at Julia. Si Bessy naman ay uuwi rin sa kanila. Siguro kayo na lang diyan sa Mansion and babalik na lang kami kapag nakapagpahinga na tayong lahat. After lunch, maybe?" Ngiti ni Bessy. Nandito kaming lahat sa labas ng mansion nina Lola. Antok na antok na ako.

Alanganing nagsalita si Misty, "Are you sure? Dito na lang tayong lahat para makapag bonding na rin tayo."

"Babalik na lang kami mamaya. Kakamustahin ko lang ang nanay at kapatid ko." Sinabi ko iyon sa kanila. Tumango si Misty at sinabing bumalik ako.

Nauna ng pumasok sina Shean at sinabing matutulog daw muna sila. Sobrang tahimik pa ng paligid dahil maaga pa.

"Uuwi na rin muna ako. Kitakits nalang mamaya guys." Inaantok na sinabi ni Nyx at naglakad na paalis dala ang gamit niya. Na-miss niya rin si Tita at panigurado akong matutuwa yon pag nakita si Nyx.

Isa isa kaming nagpaalam sa isa't isa at naghiwahiway rin pagkatapos.

Naglakad ako papunta sa bahay namin at dahan dahan kong binuksan ang pintuan pero nagulat ako nang may sumigaw sa likuran ko. "Ate!!!!"

Lumingon ako agad at nakita ko ang kapatid kong masayang tumatakbo palapit sa akin. Napangiti ako agad at sinalubong ko siya ng yakap. Ang higpit ng yakap ko sa kanya at parang ayaw ko na siyang bitawan dahil sa sobrang pagka-miss ko sa kanya.

Humiwalay ako sa yakap at pinaupo ko siya sa hita ko. Ako naman ay naupo sa upuang nakatambak sa labas ng bahay namin. "Bakit nasa labas ka? Nasan si Nanay?" Tanong ko nang maalala kong sa labas siya nanggaling.

Umiling siya at niyakap ulit ako sa leeg. Bumungisngis siya at nakangiting humarap sa akin. "Nag jogging ako, ate. Wag kang maingay kay Nanay. Natutulog pa siya." Mahinang sagot niya at sinenyasan pa niya akong itikom ang bibig ko.

Kinurot ko ang pisngi niya at napangiwi siya. "At bakit ka lumalabas ng bahay ng hindi nagpapaalam? Anong jogging? Hindi ba't may sakit ka?" Hinawakan ko ang leeg niya. Napahinga ako ng malalim. Wala na siyang lagnat.

"Hindi kasi ako papayagan ni Nanay. Gusto ko lang naman mag jogging kapag umaga, ate. Wag mo na akong isusumbong." Ngumuso pa siya at nagpaawa kaya ako rin ang natalo sa huli.

Pinagsabihan ko na lang siya na basta sa susunod ay magpapaalam na siya at wag ng tatakas kay Nanay.

Sakto namang pagpasok namin sa loob ay kalalabas lang ni Nanay galing sa kwarto. Huli na para magtago ako dahil napatingin siya agad sa akin at nanlaki ang mata. "Naaaaay!!!!" Tumakbo agad ako para yakapin siya. "Namiss ko po kayooo!"

"Anak. Hindi ko inaasahang maaga kang darating. Namiss rin kita." Niyakap ako pabalik ni Nanay at ayaw ko nang umalis pa sa sobrang sarap sa pakiramdam. Lahat ng pagod ko ay nawala dahil sa yakap ni Nanay. "Kasama mo ba si Janella at si Nyx?"

Humiwalay ako sa yakap at nakangiting tumango. Nabanggit ko kasi sa kanila na isasama ko ang dalawa kong bestfriend pauwi. "Opo. Umuwi po muna sila. Siguro po mamaya ay pupunta sila dito. Kasama rin po namin ang mga kaibigan namin sa Maynila. Yung tatlo po sa kanila ay apo nina Lolo at Lola, sa mansion po sila lahat magiistay." Mahabang paliwanag ko.

Masaya kaming nag-almusal at kinuwento ko sa kanila ang mga experience ko sa Manila habang ganun din ang ginawa nila. "Mabait rin po ang boss ko sa pinagtatrabahuhan ko, nay." Kuwento ko pa nang maitanong niya ang trabaho ko. Hindi ko binanggit sa kanila ang tungkol sa pagkakasakit ko dahil mag-aalala lang sila.

Back off, she's mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon