Chapter 07

60 7 0
                                    

Third Person's POV






"Uy, Blake?"






Lumabas ng pintuan si Kane at sinalubong naman si Blake.





"Uhh." Hindi malaman ni Blake kung ano ang kanyang sasabihin dahil in the first place ay hindi din naman niya alam kung bakit siya napunta sa bahay nina Kane.






Napansin naman niya na naka-ayos ang dalaga at may mga dalang gamit kaya ginamit niya ang pagkakataon na yun para magtanong, "Where are you going?" Nakahinga siya ng maluwag nang maayos siyang makapagsalita.





"Ahh, luluwas kasi ako. Aasikasuhin ko yung mga requirements ko sa Maynila." Alanganin na sagot ni Kane. Nagtataka pa rin siya kung bakit nasa tapat ng bahay nila si Blake pero hindi na lang niya itinanong yun.






Tumango naman si Blake at sumabay kay Kane palabas ng bahay at naglakad lakad. "San ka pupunta?" Tanong ni Kane dahil naguguluhan siya sa kinikilos ng binata.






Napakamot si Blake sa batok niya at napamura sa isipan, "Actually, I don't know. I'm just bored so I decided to---uh, uhm to go to your house?" Patanong na sagot niya. Napamura pa lalo siya sa isip niya ng marealize ang katangahang sinabi niya.






Napakunot ng noo si Kane at kahit naguguluhan ay tumango na lang.





Tumigil sila sa tapat ng mansion ng grandparents ni Blake at yun na ang pagkakataon ni kane para magpaalam. "Alis na muna ako ha? Bye." Nag-wave siya ng kamay at naglakad palayo kay Blake.






Mabilis namang tumakbo papasok ng bahay si Blake at iritadong nagmura sa sarili.





"Fucker! What was that?!" Frustrated na sabi niya at pagod na ibinagsak ang sarili sa sofa. "Damn you, Blake." Paulit ulit na mura niya sa kanyang sarili.





"Stop cursing, will you?" Bumaba sa hagdan si Misty at umupo sa tabi ni Blake na ngayon ay nakahiga sa sofa at nakataklob ang kamay sa mukha na para bang hiyang hiya siya sa sarili niya. "You look stupid." Asar ni Misty sa kanyang pinsan.





"Yes, I am." Pagamin ni Blake dahil tanga naman talaga siya.





"What the fuck is your problem, baby boo?" Tumawa si Misty at inalog alog sa braso ang badtrip na si Blake.





"Nothing." Masungit na sagot nito.






"Aww. So grumpy. You are acting weird." At nagflip hair pa na siya namang ikinainis ni Blake.






"Pack your things. We're going back to Manila."





"I already did. You should pack your things." Pagganti naman ni Misty.






Nang maayos na nilang nailagay ang gamit nila sa kotse ay bumalik sila sa loob para magpaalam na sa grandparents nila.





"I will miss you Lola and Lolo." Naiiyak na sabi ni Misty at yumakap. Niyakap din siya pabalik ng kanyang Lolo at Lola na siyang nagpaalam din. "Mag-iingat kayo mga apo. Mahal kayo."







"Awww, Iloveyoutoo."







Lumapit ang Lolo ni Blake sa kanya at tinapik ito sa balikat, "Salamat sa pagbisita niyo ulit dito ha? Mag-ingat kayo at umuwi agad." Bilin ng matanda. Tumango si Blake, "Yes, I will." Simpleng sabi niya at humalik sa pisngi ng grandparents niya.




Back off, she's mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon