CHAPTER 23. ALL I WANT IS YOU

171 7 6
                                    

ENRIQUE'S POINT OF VIEW -

"One Caramel Frappe for Quen!"

Kinuha ko na ang order ko. Nagpa-cute pa sa'kin yung babae at ningitian ko na lang siya. Pagkatapos kong balatan yung straw at itusok sa cup ay lumabas na din ako ng coffee shop.

May shoot ako ngayon para doon sa bagong model na papasikatin ng isa sa pinakamayaman naming client. Actually, on the way pa lang ako sa studio.

Tumunog ang iPhone message tone ko at sinilip ko kung sinong nagtext.

From: Enchong

"San ka na? Nandito na ung model! Dali ang hot at ang ganda!"

Napatawa na lang ako sa text ni Enchong. Kahit kailan talaga 'to. Lagi siyang excited kapag may i-sh-shoot kaming bagong mga models, kasi nga alam niyang magaganda na naman ang makikita at ma-me-meet niya. Isa kasi si Enchong sa mga alamat ng naniniwala sa forever.

To: Enchong

"Chill! Otw."

Sent! Nakangiti tuloy ako ngayon habang nagmamaneho.

Within half an hour nakarating na din ako sa office namin. Naagaw rin ng atensyon ko ang Explorer van na color black. Ito na siguro yung kotse ng client namin at nandito na nga sila.

Umakyat na din ako agad gamit ang elevator para mapabilis na at ayaw kong magmukhang pa-importante sa kanila.

Pagkarating ko sa studio ay agad akong nag greet sa lahat ng may maluwag na ngiti. Nakipag-apir din ako sa mga boys.

"Nakita mo na ba yung model? Nasa make up room pa pero promise pare, swak sa taste mo!" Sabi ni Enchong nang may maluwag na ngiti din.

"Swak sa taste ko? O sa taste mo?" Natatawa kong sinabi sa kanya habang inaayos na ang tripod ko.

"Pwede ko ba siyang angkinin kung ayaw mo sa kanya?" Mapang-asar pa niyang tinanong sa'kin at kinuha niya ang frappe ko sabay inom.

"Tigilan mo 'ko, Chong. Magtrabaho ka at tigilan mo ang paglandi."

"Bakit ba? Sinasabi ko sa'yo, ang hot niya and gorgeous pare. Yung tipong susundan mo ng tingin talaga."

Napailing na lang ako na natatawa. Hindi ko alam kung nirereto ba niya sa'kin yung sinasabi niya or kinekwento niya para sa kanya.

"Pangalan?" Tanong ko sa kanya habang inaayos naman ang lens ng camera ko.

"Julia Baretto. Tangina 'no? Bagay na bagay yung ganda ng pangalan niya sa muka niya."

"Ba't napapamura ka na diyan?" Tatawa-tawa ko pa rin na tinanong sa kanya.

"Pati pangalan ang hot eh!"

Biglang may pumalakpak at ang ibig sabihin lang nun ay mag-sa-start na ang shooting para doon sa model.

Nilabas na din ni Mr. Tan yung model na mag-pi-pictorial. Naka short shorts siya at 6 inches heels yata 'yon? Tapos naka tuck-in yung fitted shirt niya na plain white. Mahaba ang buhok niya na color black at nakakulot. Oo nga, tama nga si Enchong. Ang hot ni Ateng Model.

Napatingin ako sa gawi ni Enchong at nakatingin na din pala siya sa'kin sabay taas-baba ng kilay. He mouthed the words "sabi sa'yo eh" na may kasama pang thumbs up. Ningitian ko lang si Enchong at tumango. Oo na, tama ka na brad.

"Her name is Julia. Siya yung bago naming model na ilalagay ko sa page ng magazine namin." Sabi ni Mr. Tan sa'min.

"Pwede siyang pang cover girl sa magazine niyo, Mr. Tan." Sagot naman ni Enchong. Hay naku, gumagawa na ng moves si gago.

All I Want Is You (KathQuen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon