ENRIQUE'S POINT OF VIEW -I already got up at ang masakit doon, sa kotse ako nakatulog kagabi. Nasa parking lot ang kotse ko at hindi na ako bumaba kagabi dahil sa kaantukan at sa pagkahilo. I looked at my watch and it's 9 o' clock in the morning na.
"Jeez." Sabi ko sa sarili ko at kinusot ang mata ko ng matindi. Sinasabayan pa ng badtrip ko yung medyo pagsakit ng ulo ko dahil sa hangover. Kagabi na lang kasi ako uminom ulit ng ganoon katindi.
I hopped out from the car at ni-lock ito. Dumiretso na ako sa elevator para umkyat sa condo unit, nasa basement kasi ako kasi nga parking lot. Peste talagang paginom 'yan. 'Wag ko na ngang maulit-ulit 'yon.
Pagkarating ko sa unit ay agad naman akong sinalubong ni Jayvee ng confusing look. Talaga from head to toe niya akong pinagmasdan. What?
"Graugy natin bro ah? Saan ka ba nanggaling?" Sabi niya. Napasimangot ako at napahawak sa temple.
"I was drunk last night and sa loob na ako ng sasakyan nakatulog. I was at the basement." Sagot ko bago dumiretso sa kwarto ko. I did not wait for him to answer.
Pahiga akong tumalbog sa kama at pinikit ko lang ang mga mata ko. I want more sleep para na rin mawala ang sakit ng ulo ko. Medyo naaamoy ko pa ang alak sa hininga ko. Ibig sabihin lang nito ay kulang pa ako sa tulog. Nasa gitna na ako ng kaantukan ko nang biglang mag ring ang phone ko. What the hell!? Sino ba'ng istorbo 'to!? I get my phone from my pocket and answered it immediately.
"Oh?" Sagot ko sa istorbo na 'to na hindi ko alam kung sino.
"Hi." Sabi ng babae sa kabilang linya. Huh? Sino ka?
"Hi din. Bakit ka napatawag?" Tanong ko sa antok na antok kong boses.
"Good morning sleepy head. Are you up?" Sabi lang niya. Pero parang kilala ko ang boses na 'to ah? Medyo napadilat na ako dahil sa confusion.
"Going back to sleep. Why?" Hindi ko tinatanong kung sino siya. Basta inaantok ako and I don't care about this thing right now.
"Mukha ngang napuyat ka," she said. "Dumaan ka kasi dito kagabi. T-Tama ba 'ko?"
"Oo." Sagot ko kaagad. Napaisip ako pero, teka! Napaupo ako sa kama at nagising ng buong buo. Napadaan kagabi? Shit! I know who's this girl I am talking with right now.
"I see. Nalaman kong dumaan ka kagabi. B-Bakit 'di mo sinabi sa'kin? Why you did not call me or sana man lang nag door bell ka sa bahay?" Sunud-sunod niyang sinabi at tinanong.
I'm out of words. Hindi ko alam kung ano ang sasagutin ko. Paano nga pala niya nalaman na dumaan ako sa bahay nila? "Um, K-Kath? Ikaw ba 'yan?"
"Yes." Mabilis niyang sagot.
"Um, saan mo nakuha yung number ko? How?" Tanong ko. Actually, iniiba ko talaga yung patutunguhan ng conversation namin. Wala akong maisagot sa tanong niya kung bakit ako dumaan sa kanila kagabi.
"It was from a friend. Bakit? Masama ba'ng makuha ang number mo?" Parang nagtatampo niyang sinabi. No, it's just that hindi pa ako handa sa'yo. Ugh! Lecheng pag-ibig. Bakit mo ako ginaganito?
"Ah, no, it's not. Sorry, Kath, pero I really need to go muna. Please let me think." Pagkasabi ko nito ay napahinga ako ng malalim. Hindi sa ayaw kitang makausap. Ayaw ko na kasing i-divert yung topic na kung bakit ako dumaan sa kanila para talaga makita siya.
"Ah... g-ganoon ba?" I know that she is very disappointed because of the tone of her voice. Goddammit! Sorry, Kath but I can't. "S-Sige."

BINABASA MO ANG
All I Want Is You (KathQuen)
FanfictionMagbestfriend na noon pa sina Kath at Quen dahil sa tagal ng kanilang pagkakaibigan simula nung mga bata pa sila. Ngunit, sa pagbabalik ng 'first all-time crush' ni Kath na si Sam ay lalong hindi siya nawalan ng pag-asang maaalala siya ng 'first lov...