CHAPTER 3. ALL I WANT IS YOU

451 15 6
                                    

KATHRYN’S POINT OF VIEW –

 

 

Papunta na kami sa mismong hotel na pagtutuluyan namin habang nasa Boracay kami. Si Enchong ang sumagot sa hotel na ‘to. Mayaman kasi talaga ‘tong si Enchong and only son lang kasi siya kaya nabibigay lahat ng luho niya. Isa rin si Enchong sa greatest photographer na kasamahan ni Quen sa trabaho nila. Actually, family friend sina Quen at Enchong e. Kaya yung company na pinapasukan nila ay family friend din ng family nila ang may-ari. Gets niyo?

Sa isang room magkakasama sina Alexa at yung dalawang babae na kanina pa talaga namumuro sa’kin. Ayaw kasi tantanan yung best friend ko. Pwede naman kasing umamin na crush nila si Quen! Ipupush ko pa sila, kesa yung pabulong-bulong? Nakakairita kaya yung ganun.

Sa isang kwarto sila Enchong, Rayver, at Nash. At ang sabi ni Enchong… hiwalay ang kwarto namin ni Quen at kwarto ng mag boyfriend na sila Sophia at Khalil. Pinag iisip na naman nitong sila Enchong, oh?

Komportable ako basta si Tisoy ang kasama ko sa kwarto. Kahit pa siguro ilang buwan kaming magkasama rito sa kwartong ‘to, walang mangyayari e. Napaka gentleman na tao ni Quen, at takot siya sa’kin kaya alam niya ang mangyayari sa kanya ‘pag sinubukan niyang gapangin ako. Ha ha ha!

Habang nag aayos kami ni Tisoy ng mga gamit namin may bigla na lang malakas na katok ng katok sa pintuan.

“Tara, guys! Labas na tayo! Libot time na!” Rinig kong sigaw ni Nash. Oo, kilalang-kilala ko na ang boses nila. Naging close ko na rin naman sila dahil kay Tisoy, at naging magbabarkada na rin kami.

“Follow up!” Sagot ni Tisoy habang nag aayos ng damit niya sa isang closet dito.

“Tisoy, lilibot muna tayo, ‘di ba? Mamaya pa naman yung swimming?”

 

“Yup…” He nodded. “Kaya mamaya ka na magpalit ng damit.”

 

“Okay.” Maikling sagot ko.

**

Habang naglilibot na kami, panay picture-an lang ang ginagawa namin. Puno na nga ng selfie ‘tong phone ko e. Tapos post ako ng post sa Instagram. May mga post din ako na “With this beautiful lady @alexailacad.”

Sina Enchong at Quen syempre ang photographer namin. Ang gaganda nga ng kuha nila sa bawat place. Wala akong masabi. At dahil wala rin akong masabi, hindi ko rin makausap na naman si Tisoy. Panay kasi ang picture dito picture dun moment niya.

“Can I take a picture with you?” Narinig kong sabi ng isang babae kay Tisoy, yung kasama namin nila Enchong na girl.

“Sure.” Sagot naman agad ng lalaking ‘to. Aba?

Nakatingin lang ako sa kanila habang nakakarami na ng selfie ‘tong babaeng ‘to kasama ang best friend ko.

All I Want Is You (KathQuen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon