CHAPTER 26. ALL I WANT IS YOU

131 6 3
                                    

KATHRYN'S POINT OF VIEW -


Ayaw tumigil sa pag-agos ang luha sa mata ko. I can't help it at the same time I was shocked sa mga revelations ni Quen. Mahigpit pa rin niyang hawak ang kamay ko habang umiiyak din.

"Alam kong hindi mo 'ko pipiliin once na umamin ako sa nararamdaman ko para sa'yo. Lalo na't andyan na si Sam." Naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko. Pero pakiramdam ko, ayaw kong bitawan niya 'ko. "Marami sanang pagkakataon, Kath, na ipaparamdam ko sa'yo na mahal kita. H-Hindi lang bilang best of friends mo, hindi lang special friend or close friend mo... But more than that, Kath. Kaso isang araw... bigla na lang, ayan, dumating si Sam. Ang masakit pa dun, you fell in love."

Malungkot na tugon sa'kin ni Quen habang patuloy na umiiyak. Tounge in a lungs ha! Ang sakit nung mga kinwento niya sa'kin. Ngayon lang ako umiyak ng ganito at nasaktan ng ganito sa kanya.

"Quen, bakit?" I asked, hanggang sa binitawan na niya ang mga kamay ko. Ayaw kong gawin na bitiwan niya yung mga kamay ko kasama ng pagbitaw niya sa'kin. "B-Bakit hindi mo sinabi? Bakit hindi ako na-informed o kaya hindi mo pinaramdam? Akala ko ba bestfriends tayo at walang taguan ng secret -"

"Noon 'yon, Kath. That was written in the past." He cut me off. And I'm trying my best to understand what he was trying to say.

"Anong meant mo na noon? As in, wala na? Past is past, ganon?"

"Kath," he looked down and looked at me again. "I am trying to move on from you. Kaya I'm doing my best not to reach you. I've changed my number just to stay away from you because I realized that I don't deserve you. Kath, wala kang kasalanan na nasaktan mo 'ko kasi wala ka namang kaalam alam sa feelings ko eh. Kaya I planned to move on just to be a better person."

"Ngayon moved on ka na? Nang hindi ko nalalaman, ha?" Naiinis na tanong ko sa kanya. He pissing me off. Hindi niya alam yung sakit na dulot sa'kin ng lahat ng sinasabi niya. "So, hindi ka din better person nung minahal mo 'ko?"

"Hindi sa ganoon, but I need to grow up."

"Quen, you were the best person for me. Don't you know that, ha?" He didn't answer me. Tumigil na din ang pagluha niya pero teary-eyed pa din kami pareho.

Lumapit ako sa kanya at ikinulong ang mga pisngi niya sa palad ko. I'm staring at his hazelnut eyes.

"Alam mo ba kung gaano ako nagpapasalamat kay Lord at dumating ka sa buhay ko?" Tanong ko sa kanya, but again, he didn't answer. "Alam mo ba kung bakit hindi ko ma-express sa'yo yung halaga mo para sa'kin? Kasi hindi ka nagsasabi. Hindi ka nagtatapat."

"Kasi mahal kita at natatakot akong mawala ka sa'kin, na kapag sinabi ko sa'yo masisira ang friendship at foundation na nabuo natin as friends. Mas mabuti nang magkagalit tayo sa panahong magkaibigan lang tayo, kesa magkagalit tayo dahil sa LQ or sa misunderstandings, sa relationship struggles."

"Hindi pa ba struggles sa'tin yung halos magkalimutan na tayo?" Muli na namang tumulo ang luha ko. Hinawakan ulit ni Quen ang mga kamay kong nakahawak sa mukha niya.

"Kath, may boyfriend ka na at ayaw kong makasira sa relasyon niyo. Kilala mo naman ako, 'di ba? Kaya kong isakripisyo lahat para sa'yo." Tinanggal niya ang isang kamay ko para halikan niya. "Ganoon kita kamahal." Pabulong niyang sinabi.

"Oo, alam ko 'yon, Quen. Ayaw ko rin namang basta na lang iwanan si Sam lalo pa't ngayon na umamin kang mahal mo 'ko. Mahal ko si Sam... Pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa'yo 'to na mas meaningful ka sa buhay ko." Hinawakan ko na lang siya sa magkabilang balikat.

All I Want Is You (KathQuen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon