ENRIQUE’S POINT OF VIEW –
I was about to wake up, and pagmulat ko nagulat na lang ako… Kath is hugging me while her head is on my chest.
Tumingin din muna ako sa paligid ng kwarto. Ang ganda ng sunlight mula sa window namin. Kaso, iniisip ko na paano ko aalisin si Kath dito ng hindi siya nagigising. But I had no choice, kailangan ko siyang gisingin.
“Kang…” Kalabit ko ng konti sa kanya. But hindi pa din siya nagising.
“Kang… wake up…” Isa pa.
Ayun na nga. Dahan-dahan na siyang gumalaw and then, she suddenly faced to me habang nakatingin rin ako sa kanya.
I saw her beautiful blinking eyes.
“Good morning.” Sweet smile ko sa kanya.
Bigla na lang siyang napatulak sa’kin and muntik pa kong mahulog sa kama. Ang brutal talaga ng best friend ko! Siya na nga ‘tong yumakap sa’kin, siya pa ‘tong nanulak.
“Bakit?” Tanong ko sa kanya, at bigla na lang siyang napabangon sa kama.
“Manyak ka!” Sigaw niya sa’kin tapos bigla niya kong hinampas ng unan.
“What?! Ako pa manyak? E, ikaw nga ‘tong nakayakap sa’kin pag gising ko.” Natatawa kong sinabi sa kanya.
“Psh! Style mo, Enrique!” I saw her smiling teeth and bigla na lang siyang dumiretso sa banyo.
Ako na nga ‘tong na-argabyado, ako pa nagmukhang masama? Nakakatawa ka talaga Kathryn! Ha ha ha!
Tumayo na lang ako sa kama at inayos yung bed sheet nang hindi ko namamalayang napapangiti na pala ako habang naaalala yung pagkakayakap niya sa’kin. Ang sweet lang kasi nung moment and that was the most beautiful moment for me.
**
Kumakain na kami ng breakfast ngayon. Dinalhan na kasi kami ng food dito sa room namin. Kaso pakiramdam ko wala akong gana masyado, medyo masakit kasi yung ulo ko.
“Hangover?” Napatingin ako sa tinanong ni Kang.
“Siguro…” I just shrug my shoulders.
“Oo, lasing ka nga kagabi e.”
“Tinamaan na rin kasi ako ng antok kaya mabilis din akong nakatulog.”
“Lasing ka kaya… May sinasabi ka nga kagabi e.” Nakikita ko ng natatawa siya.
BINABASA MO ANG
All I Want Is You (KathQuen)
Fiksi PenggemarMagbestfriend na noon pa sina Kath at Quen dahil sa tagal ng kanilang pagkakaibigan simula nung mga bata pa sila. Ngunit, sa pagbabalik ng 'first all-time crush' ni Kath na si Sam ay lalong hindi siya nawalan ng pag-asang maaalala siya ng 'first lov...