KATHRYN'S POINT OF VIEW -
This is the day! You know why? Kasi ngayong araw na 'to ipapakilala ko na si Sam as my official boyfriend kay Mommy and Daddy. Well, nauna akong magpakilala kasi after daw niya ma-meet ang parents ko ay yung family side naman niya ang makikilala ko.
"Are you nervous?" Tanong ko kay Sam habang nasa byahe kami. "Kanina ka pa walang kibo."
Hindi siya sumagot kaagad. I think it takes 15 seconds before he replied.
"Slight. He he..." Awkward siyang napangiti. Agad ko namang hinawakan yung isang kamay niya.
"Don't be nervous, Babe. Kilala ka naman na nila Mommy pero medyo seryoso lang ngayon kasi ipapakilala na kita as my boyfriend." Nag chuckle pa ko and napangiti na lang si Sam sa'kin.
After a minute or two, nakarating na kami sa bahay and nag park naman agad si Sam sa harapan lang ng bahay namin. In-assist niya rin akong ibaba sa car.
"Baka naman kinakabahan ka pa rin dyan?" I asked him again.
"Ahm... I think you should hold my hand tight so that I can feel confident." Matamang sinabi niya sa'kin at hindi naman ako nag dalawang isip na hinawakan kaagad yung isang kamay niya ng mahigpit.
Pagdating namin sa front door napansin ko namang huminga ng malalim si Sam at tsaka ko na binuksan ang pintuan.
Bumungad sa'min ang isa sa maids namin and walang tao sa salas.
"Ate, may bisita ako. Pwede pakikuha naman siya ng maiinom and merienda na din? Salamat." Agad namang tumango si Yaya and pumunta agad sa kitchen.
"Upo ka, Babe. Tatawagin ko lang sina Mom and Dad."
"Thanks, Babe." Nakangiti lang na sagot ni Sam and umupo na rin siya sa sofa.
Paakyat na sana ako nang biglang lumapit sa'kin ang isa sa pinaka paborito kong nilalang. Agad ko siyang dinampot.
"Hi my Baby Dasho!" Hinalikan ko naman sa pisngi ang aking pinakamamahal na Pomeranian dog.
"Ang cute naman niya. Ngayon ko lang nakita 'yan, Babe?" Narinig ko ang sinabi ni Sam na nakangiting nakatingin sa'min ni Dasho.
"Ah, yes. Si Dasho nga pala, Babe. Aso namin ni Quen." Lumapit ako muli kay Sam bitbit si Dasho ko. "May partner siya na nasa bahay naman ni Quen, si Mikay naman 'yon and same breed din sila. Gift sa'kin ni Quen si Dasho nung Christmas... Say 'hi' baby Dasho kay Kuya Sam."
BINABASA MO ANG
All I Want Is You (KathQuen)
FanficMagbestfriend na noon pa sina Kath at Quen dahil sa tagal ng kanilang pagkakaibigan simula nung mga bata pa sila. Ngunit, sa pagbabalik ng 'first all-time crush' ni Kath na si Sam ay lalong hindi siya nawalan ng pag-asang maaalala siya ng 'first lov...