CHAPTER 34. ALL I WANT IS YOU

149 6 3
                                    


KATHRYN'S POINT OF VIEW -

Pagkatapos kong marinig ang message na 'yon galing kay Enrique, hindi na 'ko nagdalawang isip na sabihin ito kay Julia. Hindi naman sa pang-uutos pero as soon as possible gusto ko ng magkita kami ni Quen at magkausap. Kung anuman ang patutunguhan ng paguusap namin bahala na, ang mahalaga nagusap kami ng maayos. Tatanggapin ko na lang kung may desisyon man siyang ikasasakit ng damdamin ko, pero hindi ko dapat palagpasin yung chance na alam kong naghihintay pa din siya para sa'kin.

"Oh. My. God. Nakakakilig 'yon! Literal!" Napapatili pang sabi ni Julia sa kabilang linya. Kanina pa siya kinikilig habang kausap ko.

"So, ano na nga? Kailan kaya yung pagkikita namin?" Tanong ko sa kanya.

"Yuh! I think, I'm gonna do it right now. Hahanap ako ng way ngayon na para magtagpo kayo at hangga't may hangover pa si Quen sa sinabi niya sa radio." Kinikilig pa ding sinabi niya. Hala siya? Ayaw nang tumigil. Napapangiti na lang tuloy ako.

"Ibig sabihin ba gagawa ka na ng way ngayong araw na 'to para magkita kami?" Namamangha kong tanong sa kanya. Nakakaramdam ako ng excitement.

"Exactly. Ngayong gabi, you need to talk with each other. Kailangan ko ng ibaba yung phone, Kath, dahil tatawagan ko na si Enrique. See you tonight!" Masiglang sabi ni Julia.

"Teka, teka! Paano kita mako-contact?"

"Viber, my dear. Mag message lang tayo sa Viber, ok? Sige na. I need to hung up para masimulan na natin ang misyon. Bye! Mwa!" Magsasalita pa sana ako pero mabilis na niyang naibaba ang linya.

Napayakap na lang ako sa cellphone ko habang nakatapat ito sa dibdib ko. Napapangiti ako ng kusa dahil sa excitement. Kailangan ko ng umuwi at magbihis ng maganda para sa pagkikita namin ni Enrique mamaya. I can't wait!

~

Pagkarating ko ng bahay ay dumiretso na ako sa kwarto para mag ayos ng sarili. Maghahanap ako ng magandang susuotin at kung ano pang pwedeng mailagay na kolorete sa katawan ko. Habang inaayos ko ang buhok ko sa salamin napabuntonghininga na lang ako.

"Kaya mo 'yan, Kath. Ngayong gabi na 'to ang pinakamagiging espesyal na gabi para sa'yo." Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin at kumuha ako ng isa pang malalim na paghinga. Aaminin kong nakakaramdam ako ng kaba pero kakayanin ko para sa amin ni Quen.

Habang naglalagay ako ng make up ay naisipan kong sabihin sa barkada ang planong pagkikita namin ni Quen at ang mabuting-loob na ginagawa ni Julia.

"Guys, may set up kami ni Julia mamaya. Maguusap na kami ni Quen at ngayon ay gumagawa na si Julia kung paano niya masasabihan si Quen na pumunta sa isang place." Message ko sa group chat namin. May mga nakita akong mabilis na nag-seen sa message ko.

"Shit! Ang saya niyan. Ayusin mo 'yang paguusap niyo ah? Chance niyo na 'yang dalawa." Sabi ni Enchong.

"Goodluck! Pero teka, alam ba ni Sam 'yan?" Sabi naman ni Khalil. Ay, oo nga pala! Si Sam. Paano kung hanapin niya ako mamaya o puntahan niya ako sa bahay? Wala pa man din siyang alam sa lahat ng 'to. Ugh! Tanga-tanga ko din kasi. Kasalanan ko din kung bakit ako naiipit sa dalawang tao ngayon.

"Wala siyang alam sa lahat ng 'to. Kahit yung pagkikita namin ni Quen at paguusap namin ni Julia ay wala siyang alam. Ayaw ko mang gawin 'to pero itinatago ko muna ngayon dahil alam kong matatapos din 'to sa huli." Reply ko sa tanong ni Khalil.

"Hala! Bad ka!" Sabi ni Rayver. At nag sent pa ng laughing sticker. Azar!

"Ako din ang magtutuwid nito. Easy lang muna tayo ngayon." Reply ko.

All I Want Is You (KathQuen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon