ENRIQUE’S POINT OF VIEW –
Nasa mall kami ngayon ni Kang, at as usual… ako na naman ang tiga-bitbit niya ng mga pinamili niya.
Nag shopping kasi siya ng mga isusuot niya sa Boracay outing namin bukas. Grabe talaga ‘tong best friend ko. Bumili ng shorts, swim wear, summer hat, slippers, shoes, sunglasses, sun block, etc. Samantalang ako, tsinelas lang binili ko okay na.
“May kulang pa ba?” Tanong ko sa kanya habang tumitingin pa siya sa mga… undies!
I didn’t notice na nasa boutique pala kami ng mga panties. Psh! Nahihiya tuloy ako dito.
“Tisoy, anong magandang design ng panty?”
And I was like “KAILANGAN TALAGA SA’KIN ITANONG?!”
“Kang, lalabas lang ako.” Bulong ko sa kanya. Pero bago pa ko makalabas, hinawakan na niya yung braso ko.
“Hala? Pilian mo ko ng magandang design.”
Seryoso ba talaga siya?! Bakit ako yung tinatanong niya? Plain white nga lang ang kulay ng briefs ko, plain black, plain grey, mga ganun lang. Then, sa’kin siya magtatanong ng magandang design ng undies?! What the hell?!
“Kang, wala akong alam diyan… Alam mo namang lalaki ako e.”
“Sa mga babae mo… ‘Di ba, nakakakita ka na rin naman ng mga panties na sinusuot nila?”
“Are you in yourself? E, alam mo namang virgin pa ko.”
Bigla siyang nagpigil ng tawa.
“Hinuhuli lang kita… Oo, alam kong wala ka pang nauuwing babae sa inyo. Sige na. Lumabas ka na and hintayin mo na lang ako.”
“Thank you.” Yun lang ang sinabi ko bago ako lumabas ng tuluyan sa boutique na ‘to.
Nakahinga rin naman ako ng maluwag nung makalabas ako. Pinagtitinginan na rin kasi ako ng girls dun sa loob. Bwisit din minsan ‘tong si Kang e.
**
Nilalagay na namin sa compartment yung pinamili namin… actually, pinamili niya pala.
Pagsakay ko sa kotse, I was about to start the engine pero bigla akong hinawakan ni Kang sa right arm ko. Napatingin naman agad ako sa kanya.
“Thanks, Tisoy.” I saw her sweet smile.
“Why thank you? E, ilang taon na nating ginagawang mag shopping.”
“E, kasi… Wala naman akong ibang masusukli sa’yo. I mean, thank you kasi nandiyan ka parati.”
“Nandito ako parati na taga-bitbit mo?” Joke ko sa kanya.
She chuckled and looked straight into my eyes.
“Hindi ka naman taga-bitbit lang e… Ewan ko ba kasi sa’yo kung bakit mo sinasayang ‘yang kagwapuhan mo.”
“Hintay lang kasi tayo, Kang… You know, waiting for the best is the happiest thing you can do in your life.”
“Sus! Sabihin mo duwag ka lang sa babae.” Tinulak pa niya ko sa may braso ko ng konti.
Napangiti na lang ako then I shook my head. Kasi naman Kang, kung alam mo lang kung sinong babae ang kaya kong ipaglaban.
Hindi na lang ako sumagot and nag start na rin ako ng makina para makauwi na kami sa kanila.
BINABASA MO ANG
All I Want Is You (KathQuen)
Fiksi PenggemarMagbestfriend na noon pa sina Kath at Quen dahil sa tagal ng kanilang pagkakaibigan simula nung mga bata pa sila. Ngunit, sa pagbabalik ng 'first all-time crush' ni Kath na si Sam ay lalong hindi siya nawalan ng pag-asang maaalala siya ng 'first lov...