CHAPTER 27. ALL I WANT IS YOU

150 6 4
                                        

KATHRYN'S POINT OF VIEW -

I'm laying in my bed habang yakap yakap si Potato. Katatapos lang ng scenario ko sa pag iyak. Ilang araw na rin akong namamalagi sa kwarto ko, kung hindi man sa kwarto ay sa shop lang. Ginagawa kong busy ang sarili ko kahit hindi ko madalas makita si Sam dahil na rin sa ka-busy-han niyang maglalabas na siya ng kauna-unahan niyang album.

"Kath?" Nauna kong narinig na may tumawag sa pangalan ko bago yung pagkatok sa pintuan.

"Po?"

"Kumain ka na ng lunch mo! Aalis lang ako sandali." Si mommy 'yon.

"Sige po. Bababa na din ako." Sagot ko naman nang hindi gumagalaw sa pwesto ko. Nakahiga pa din ako at naka side view lang.

Narinig ko na lang na bumukas ang pintuan. Bukas pala yung pinto ng kwarto ko?

Humarap ako at nakita si mommy na mukhang nag-aalala sa akin.

"Bakit po?" Tanong ko habang bumabangon para maupo sa kama. "Kakain na din ako ng lunch, Ma."

"Ilang araw ka ng nagkukulong sa kwarto mo, anak. May problema ba?"

"Ma, hindi naman ako nagkukulong ah. Maya maya po maliligo na ko para magpuntang shop."

Huminga lang ng malalim si mommy at umupo sa kama ko. Halatang nag-aalala siya sa'kin.

"Anong problema, anak? Kay Sam ba? Dahil ba busy siya?" Mahinhing tanong ni mommy.

Umiling lang ako bilang pagsagot. Hindi ko nga inaalala yung pagka busy ni Sam e. Iba yung tumatakbo sa isip ko.

"Sabihin mo sa'kin kung ano ang problema. Kung hindi man ako makakatulong, papagaanin ko na lang yung damdamin ng bunso ko."

Hindi ako nagsalita at nakatulala lang sa bed sheet ko. Nang malipat yung tingin ko kay Potato, doon tumulo ang luha ko. Pinunasan ko ito agad.

"Ma..." Napalunok pa muna ako bago ipagpatuloy ang sasabihin. "Si Quen kasi, iniwan na niya ako." Doon nagtuloy tuloy ang luha ko.

Niyakap na lang ako ni mommy para patahanin.

"Isinuko na niya 'ko, Ma. Sabi niya mag move on na daw kami bilang bestfriends. Kakalimutan na daw niya 'ko." Nagpatuloy ako sa pag iyak at yung tipong humihikbi pa. Hindi ko na kinaya at gusto ko din namang may makausap tungkol sa pinagdadaanan ko.

"Bakit kailangan niyong mag move on? Bakit pati friendship niyo may hangganan? Wala namang break up ang pagiging mag bestfriends, anak."

"Meron at nangyayari sa'min ngayon 'yon." Bumitaw ako sa pagkakayakap ni mommy at umiyak pa din ng tuloy tuloy. "Lalo na kung may nararamdaman ang isa sa inyo, pwedeng matapos ang friendship."

"Ibig bang sabihin, may isang nagmamahal sa inyo?" Nagtatakang tanong din ni mommy. Napalunok ulit ako kahit wala na 'kong malunok.

"Mahal ako ni Quen... higit pa sa kaibigan, Ma. Umamin siya sa'kin pero pagtapos din ng pag-amin niya, pinakawalan na niya 'ko. A-Ayaw niya daw na makigulo sa status ng relationship namin ni Sam. Mali daw na nahulog siya sa'kin. Ma, b-bakit ang sakit sakit sa'kin nito? Daig ko pa yung niloko ng boyfriend."

"Alam mo, Kath, napaka buting tao ni Quen. Wala akong masasabi sa batang 'yon. Ni-isakripisyo yung pagmamahal niya sa'yo ibinigay niya na lang sa iba para lang hindi kayo maghiwalay ni Sam. Iyon ang totoong definition ng pag-ibig, anak. Yung mga katulad ni Enrique ang totoong nagmamahal para lang sa babaeng mahal niya."

All I Want Is You (KathQuen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon