KATHRYN’S POINT OF VIEW –
“Good morning, Ate Kath!”
Bumungad sa’kin ang napakagandang ngiti ni Andie pagkalabas ko ng pintuan ng kwarto ni Tisoy. Actually, wala na siya sa tabi ko pag gising ko pa lang.
“Good morning, Ands.” Ngiti kong isinukli sa kanya. “Wait, nasaan ang Kuya Quen mo?”
“Ah, si Kuya?” full smiles pa din niyang tinuro ang hagdanan nila. “Nasa ibaba kanina pa.”
“Sige, hindi man lang kasi niya ‘ko ginising.” Sabi ko na lang kay Andie at sabay na kaming bumaba.
Habang bumababa ako natatanaw ko ng nakangiti sa’kin si Javy na mukhang paalis pa lang.
“Gising na ang princess ni Enrique.” Rinig kong sabi ni Javy habang nakangiti pa din. Monggoloid talaga mang-asar ‘to kahit kailan?
“Good morning sa’yo, Javy.” ‘yan na lang ang sinabi ko sa kanya imbis na saluhin ang pang-a-asar niya.
“Hindi ka ba sang-ayon na prinsesa ka ni –“ Naputol na ang sasabihin ni Javy nang tumambad si Quen galing sa kitchen nila.
“Gising ka na pala?” malamig na puntirya sa’kin ni Quen.
“Oo, e pwede naman na siguro akong umuwi kaya hinahanap na din kita. Magpapaalam lang sana ako kay Tita Bambi na din.” Sagot ko na alanganing ngumiti.
“Wala si Mommy, Ate Kath. Maaga siyang umalis, magkasama sila ni Dad.” Si Andie naman ang sumagot sa’kin pabalik.
I nodded. “Sige, sa tingin ko I can go home na.”
“Kumain ka muna, Kath. Si Quen ang nagluto ng breakfast kanina sa’min kaya dapat mo ding matikman.” Nakangising sambit ni Javy habang may inilalagay sa bag niya.
“I think he cooked because you’re here.” Si Andie ulit na napatinging natatawa sa Kuya Quen niya. Habang si Quen naman ay seryoso lang ang reaksyon.
“Kumain ka muna, then ihahatid na kita.” Sabi ni Quen at saka siya tumalikod para pumunta sa kitchen, sumunod naman na din ako sa kanya.
Naabutan kong kumukuha na siya ng utensils para sa’kin.
“Dito ka na kumain, ‘wag na sa dinning.” Cold pa din niyang sinabi.
Inilapag na niya ang mga utensils sa round table na nandito sa kusina nila at ni-prepare na niya ang mga food.
BINABASA MO ANG
All I Want Is You (KathQuen)
FanfictionMagbestfriend na noon pa sina Kath at Quen dahil sa tagal ng kanilang pagkakaibigan simula nung mga bata pa sila. Ngunit, sa pagbabalik ng 'first all-time crush' ni Kath na si Sam ay lalong hindi siya nawalan ng pag-asang maaalala siya ng 'first lov...