CHAPTER 11. ALL I WANT IS YOU

236 16 1
                                    

ENRIQUE’S POINT OF VIEW –

 

 

Nasa Max’s Restaurant kami ngayon ni Kang and we are having our lunch. Wala siyang planong bumisita ngayon sa shop niya and ako naman ay walang shoot, so nag lunch date kami ngayon.

“Sayang, ‘no? Hindi nga lang kami nagka-kuhaan ng number ni Sam.” She said.

And as usual… si Sam pa din ang sinisingit niya sa kwentuhan namin.

“Dapat kinuha mo.” Sagot ko lang habang pinaghihiwalay ko yung mga parts ng chicken leg ko.

“Hayaan mo na. Nagre-reply naman na siya sa’kin sa Twitter e. Hi hi…”

 

“Hanggang saan ka kaya makakaabot sa kakahabol diyan kay Sam?” Sarcastic kong tinanong.

Pero, my goodness nakangiti pa din siya. And she answered, “Hanggang sa dulo ng walang hanggan.”

 

Nagulat na lang si Kang sa narinig niyang tunog ng utensil ko sa plate ko. Masyado yatang napalakas yung pagkakabangga ng spoon and fork ko sa plate kaya halos magtinginan yung mga customers sa’kin.

Literally, sinadya ko talaga ‘yon. Pero, kunwari na lang na hindi ko sinadyang mag-ingay. Na-bwisit na naman kasi ako sa mga sinasabi niya.

“Sorry… Sorry…” Sabi ko na lang ng mahinahon sa ibang tao.

“Galit ka ba, Tisoy? O buhay pa yata ‘yang manok mo?” Tanong lang sa’kin ni Kang.

“Hindi. Sorry lang.” And then, kumain na lang ako ulit.

Like I effin’ care naman sa ibang tao, ‘no? Basta, hindi nila alam yung inis na nararamdaman ko.

“Kakain ka pa ba ng rice?” Kang asked again.

“Nope. I’m good.”

 

“Himala? One rice is good enough for you? Ha ha…”

 

“Ayaw ko masyado ng rice ngayon.”

 

“Hindi na nga po kokontra, Mr. Gil.” Nakita ko pang pinandilatan ako ni Kang sabay kain ulit siya.

Natawa na lang ako ng bahagya sa reaksyon niya.

**

Nag-iikot na kami ngayon ni Kang sa mall after namin mag-lunch. Wala na kasi kaming maisip na pwedeng gawin e. Siya naman din kasi nagyaya na mag-lunch kami together.

All I Want Is You (KathQuen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon