KATHRYN’S POINT OF VIEW –
Calling: Sam Harthart
He is calling right away…
“Hello?”
“Hello, Kath, saan ulit tayo mag-ga-gather? I mean, exact location?”
“Ooh, ahm… Paki tawagan na lang si Quen, siya kasi yung nakakaalam. Send ko sa’yo yung number niya.”
“Okay, sige. Ahm… anyway, susunduin na ba kita?”
“H-Huh? Naku, Sam… I’m sorry pero mapilit kasi si Quen ngayon e. Siya daw magsusundo sa’kin kaya sa kanya na lang ako sasabay.”
“Alright, it’s okay. I’ll see you later. Ba-bye! Take care.”
“Sure! Sige sige, ingat ka din diyan. See you later, ba-bye!”
And then, I ended up the call.
Tuloy na tuloy yung gathering na sinabi sa’kin ni Quen noon. Yes, ang reason niya kasi sa’kin ay para magkatuwaan daw ulit kami kasama sila Enchong at para makilala and makasama nila si Sam. Himala nga e, sinama niya talaga si Sam, ha? E, ayaw na ayaw nga niya doon. Ang blurred, ‘di ba?
Nag dress na lang ako ngayon and something 5 inches closed-heels para isang bagsakan na lang ng outfit. Nag pusod din ako ng buhok bago maglagay ng light make-up and some accessories na nababagay sa suot ko today.
Hanggang sa makarinig na ko ng busina sa ibaba. Dumungaw naman ako agad mula sa window and nakita ko nga si Bumble Bee at pababa pa lang si Quen mula dito.
“Andiyan na si Quen.” Bulong ko sa sarili ko na halos nagmadali na din ako.
Kinuha ko na kaagad ang pouch ko at mabilis na kong naglagay ng perfume bago ako bumaba. Wala kasing ibang tao sa bahay kung hindi ako at ang maids namin.
“Ate, pakisabi kay Mommy at Daddy na nakaalis na kami ni Quen, ha? Salamat!” mabilis akong kumaway kay Ate Linda at hindi ko na hinintay pa yung isasagot niya.
Paglabas ko ng gate, in-escort ako kaagad ni Quen na makasakay na sa kotse niya. As usual, siya na din ang naglagay ng seatbelt ko.
“Let’s go.” Sabi lang niya sa’kin at saka pinaandar na ang sasakyan.
“Oo nga pala, tinawagan ka ba ni Sam?” Tanong ko na kay Quen nang maalala ko yung tinanong ni Sam sa’kin.
BINABASA MO ANG
All I Want Is You (KathQuen)
Fiksi PenggemarMagbestfriend na noon pa sina Kath at Quen dahil sa tagal ng kanilang pagkakaibigan simula nung mga bata pa sila. Ngunit, sa pagbabalik ng 'first all-time crush' ni Kath na si Sam ay lalong hindi siya nawalan ng pag-asang maaalala siya ng 'first lov...