CHAPTER 1: Beginning of a New Day

9.4K 43 2
                                    

CHAPTER 1: Beginning of a New Day

"Rentz, minahal mo ba ako?' tanong niya. "Ako, mahal kita ng  sobra kahit ang sakit sakit na"

"Please tell me you loved me even once." naiiyak niyang sabi.

"Love?' isip ko.

"Please?.." pakiusap niya.

"I... I'm...."

Ting Tinining! Ting Tinining! - Nagwawalang tunog ng alarm clock.

"Aaargh. Kahit kailan panira ka talaga!" galit na sabi ko habang inaabot ang tumutunog paring alarm clock.

"Haaay... Umaga na pala." (O.O)

"Aaah! May pasok na nga pala ngayon!"

Nagmadali akong bumangon at pumunta na agad sa banyo para maligo. Pagkatapos ay nagbihis na at bumaba para mag-agahan. Pero sa tingin ko, wala na akong oras para dun.

"Ma, bakit di mo ko ginising?' tanong ko kay mama na nakatalikod at nagluluto ng agahan.

"Rentz, pati ako ay tinanghali na ng gising. Nalimutan kong may pasok na pala ang baby ko ngayon. Hahahah"

"Ma, di ba sabi ko 'wag mo na akong tawaging baby? Malaki na ko."  naiinis kong sabi.

"Para sa akin ikaw pa rin ang baby girl ko. Kung gusto mo eh tawagin na lang kitang baby damulag, gusto mo?' Aaargh, kainis talaga 'tong si mama.

"Eeeew, I don't like it both. Sige ma alis na ako, malalate na ako eh."

"Kumain ka muna. Kailangan mo ng energy sa school."

"Ma, okay na 'tong sandwich. Tsaka di naman na ako magtatatakbo at kung ano-ano pa kasi wala na po akong PE subjects." dali-dali akong kumuha ng sandwich at inilagay 'to sa aking bibig habang nag -aayos ng mga gamit upang maka-alis na.

"Anak, kailangan din ng utak mo ng energy upang makapag-isip ng maayos. Sige ka, baka mabaliw ka nyan. Hindi talaga kita kikilalanin." Pabirong sabi ni mama.

"Ma, kahit na mabaliw ako alam kong mamahalin mo parin ako. Ako nga diba ang baby girl mo?"

"Sabi mo di na kita pwedeng tawaging baby girl?' Nakangusong sagot ni mama.

"Sinabi ko bang tawagin mo 'kong baby girl? Sabi ko ako ang baby girl mo." Natatawa kong sagot. Ang cute kasi ni mama. Mukha pa rin kasi siyang dalaga. I mean, hindi mo aakalaing may anak na siya at dalawa pa. She is around her 30's, 38 to be exact. Maaga kasing nag-asawa. Pero okey lang kay papa naman siya napunta eh. Hahaha. matanda lang ng konti si papa sa kanya, mga tatlong taon siguro.

"O siya sige. Umalis kana malalate ka na." Nakangiti niyang sabi.

"Sige ma, alis na ako." sabi ko sabay kiss sa cheeks niya.

"Ingat sa school. Wag masyadong umentertain ng mga lalake. Lagot sila sa papa mo." Pahabol niyang sabi.

Nangiti na lang ako sa sinabi ni mama. 'Mga lalake'?. Hindi na niya dapat intindihin yun. Hindi naman talaga ako mang-eentertain sa kanila. Never.

________________________________________________________________________________

(A/N)

Guyz, okey bah? First time ko pa lang kasi eh. I want to hear from yah all.

And also thanks for reading. Heheheh

God speed. --WaaahDaebak171

Sticky Note.. (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon