CHAPTER 21: In the Middle

960 38 7
                                    

CHAPTER 21: In the Middle

Laurentz’s POV

                Tumunog ang alarm clock ko bandang 4:30 am. 6 am sharp raw kasi kami aalis. Naligo na ako at hinanda ang mga dadalhin kong gamit. Maaga ding gumising si mama para ipagluto ako ng agahan. Pero ang aga pa kaya naman wala pa akong gana. At sermon na naman ang inabot ko. Tsssk. Si mama talaga.

                “Kailangan mong kumain baby girl. Mahaba ang byahe niyo kaya kailangan mong kumain. Ayaw kung malipasan ka ng gutom doon.” Pag-aalang sabi ni mama. Haaist.

                “Ma hindi pa nga ako gutom. Kung gusto niyo ay baonin ko na lang yan at sa byahe ko na kakainin.” Sabi ko.

                “O siya sige. Kainin mo to ha.” Sabi nito habang nilalagay sa baonan ang itlog, bacon at toasted bread mukha marami ata ang nilagay niya. “Handa na ba ang mga gamit mo?” tanong naman nito.

                “Opo ma, na double check ko na. I’m ready to go.” Nakangiti kong sagot.

                “Mabuti naman. O siya sige tayo na at baka maiwan ka na.” nagmamadaling sabi ni mama.

                “Chill lang ma. 5:25 pa lang po naman.” Sabi ko naman.

                “Kahit na. Halika na at ihahatid na kita. At ito ng baon mo. Kainin mo yan.” Sabi ni mama habang inaabot ang baonan.

                “Opo.” Yun na lang nasabi ko dahil wala na akong magagawa. Mas mabuting ng maaga kisa sa malate.

                Umalis na nga kami at after 15 minutes nakarating na kami sa school. Marami-rami na rin ang estudyanteng andito. Naka standby na rin ang gagamiting naming bus. Tatlong malalaking bus ito at fully air conditioned. Siguro kasya ang apatnapung katao duon o higit pa. Tinulungan ako ni mama na ibaba ang mga gamit ko. At pagkatapos ay nagbilin lang na magpakabait ako duon at mag-ingat parati. Pero bago paman siya umalis ay may huli pa siyang bilin.

                “Rentz wag mong kalimutan, si Mercy.” Sabi nito.

                “Opo ma.” Sagot ko.

                Nang umalis na nga si mama ay nagtungo na nga ako sa mga nagguguluhang estudyante. Ang aga-aga pero ang ingay na nila. Tsssk. Naalala ko ang huling sinabi ni mama at agad na hinanap si Merz. Pero mukhang wala pa siya rito. Hay naku wag mong sabihing nahuli na naman siyang gumising. Ang babaeng yun talaga. At sa hindi na namang inaasahang pagkakataon ay iba ang nahanap ko. Si Nataline. Oo nga pala magkaklase nga pala sila ni Merz, muntik ko ng makalimutan.

                “Good morning Laurentz.” Nakangiting bati nito sa akin.

                “Good morning din Nat.” bati ko rin.

                “Akala ko hindi ka sumasama sa ganitong lakad.” Natatawa nitong sabi. Ito ang problema ko kay Nataline eh, parati siyang nakangiti. I can’t get her sometimes. Naglabas lang ata siya ng ibang emosyon nung napag-usapan namin si Rissa. Hindi ko pa rin alam kung ano bang koneksyon nila ni Rissa pero hindi naman ako pakialamera so I just set it aside.

                “Hindi naman sa ganon. Pero educational naman to kaya eto ako.” Sabi ko.

                “Oo nga pala hindi ko pa napapansin si Mercy ah. Alam mo ba kung asan siya?” tanong nito. Tsssk. Nakalimutan ko si Mercy. Asan na kaya yun.

Sticky Note.. (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon