CHAPTER 8: The Dress

2K 20 2
                                    

CHAPTER 8: The Dress

Laurentz’s POV

                Malapit na ang gaganaping acquaintance party. Malapit na rin ang kahihiyang aking mararanasan. Mamatay ata ako sa hiya nito. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na pumunta. Hindi naman talaga ako pumayag eh. Ewan ko ba dun kay Merz.

                Nandito kami ngayon sa mall. Weekend kasi walang pasok. At sino ang kasama ko? Syempre si Mercidita. Hahaha. Natatawa talaga ako pag naaalala ko ang buo niyang pangalan. Di kasi bagay sa kanya.

                “Anong nginingiti-ngiti mo jan? May gwapo ba? Saan?” Lumilinga-linga nitong tanong.

                “Wala naman Mercidita.” Nakangiti kong sagot.

                “Kainis ka. Wag mo nga akong tawagin sa totoo kong pangalan.” Naasiwa niyang sabi.

                “Ano ka ba pangalan mo pa rin yun noh. Wala ka ng magagawa.”

                “Eh basta. Pag nagka pera na ako ng marami, papalitan ko talaga ang pangalan ko.” Seryoso niyang sabi.

                “Ano ka ba. Bigay ng parents mo yan sayo. Dapat mo yang pahalagahan.” Sabi ko sa kanya.

                “Bahala na nga.” Naiirita niyang sagot. “Tara na. Doon tayo.”

                Bibili kami ng susuotin sa party. Di ko talaga sana gustong sumamang bumili, pinilit lang ako ni Merz. Pumunta pa nga sa bahay eh. Pinaalam pa niya ako kay mama. Eto namang si mama, ang saya-saya dahil pupunta daw ako ng party. Binigyan  pa ako ng pera pambili. Haay, pinagkakaisahan ata ako eh.

                “Sa boutique tayo bumili para wala tayong kapareha ng suot.” Sabi niya.

                “Mapapansin pa ba talaga ang susuotin natin? May mask naman di ba, kaya okay lang. Di rin nila malalaman na ikaw yun.” Sabi ko naman.

                “Ano ka ba. Nakakahiya kaya yun. Baka mapagkamalan tayong assistant sa party. Gusto mo ba yun?” paliwanag niya.

                May point din naman siya dun. Haay, sino ba kasing naka-imbento ng mga party na yan.

                Pumasok na kami sa isang boutique shop. Mukhang mamahalin ang mga damit dito. Mahilig talaga sa mga lugar na ‘to si Merz. Kaya nga mabilis maubos ang pera eh. Kung anu-ano lang ang binibili.

                “Wow! Tingnan mo Rentz. Ang ganda nun oh!” sabi niya hila-hila ako papalapit sa damit na nakita niya.

                Isa itong cocktail dress na kulay black. Tapos strapless siya at may glitters ata. Kumikinang eh.

                “Maganda nga. Bagay siguro sayo ‘yan.” Sabi ko.

                “Talaga? Tingin mo bagay sa akin?” tanong nito.

                “Oo naman. Lahat naman siguro dito bagay sayo. Sexy ka naman.” Sagot ko sa kanya.

                “Waah Rentz. Ang bait mo talaga. I love you very much. You’re the best friend ever.” Nakangiti nitong sabi.

                “Pero teka. Wag mong sabihing natitibo ka sa akin? Kaya ba wala ka paring boyfriend?” pagtataka niyang tanong. “Okay lang yan naiintindihan kita. Sa ganda at sexy kong ‘to, sinong di magkakagusto? Pero sorry Rentz, I’m straight.” Pagpatuloy niya habang nakahawak sa balikat ko.

                “Yuck. Kadiri ka Merz. Hinding hindi ako magkakagusto sayo noh. Ayaw kong maging tagabili ng pagkain mo o kung anu-ano pa.” sagot ko naman sa kanya.

                “Grabe ka naman Rentz. Joke lang naman eh. Hehehe.” Sabi niya.

                Hahawakan na sana ni Merz yung damit na nagustuhan niya pero pinigilan siya ng sales lady.

                “Ah sorry maam. Pero nakareserve na po ito sa iba.” Sabi ng sales lady.

                “Naka reserve? Eh bakit nakadisplay pa?” tanong ni Merz.

                “Bagong dating po kasi yan. Tapos ngayon lang nakareserve. Hindi pa po namin naaalis.” Sagot nito.

                “Ah ganun ba. Sayang naman.” Sabi ni  Merz na may panghihinayang.

                “Okay lang yan Merz. Marami pa namang iba jan eh. Malay mo meron pang mas maganda kaysa jan.” sabi ko naman.

                Naghanap na kami ng mga susuotin namin. I settle for a black cocktail dress na may purple designs. At si Merz naman ay pinili yung kulay dark blue na cocktail dress rin. Maganda din naman bagay sa kanya. Pero mas gusto pa rin niya yung naka reserve na. Hahaist.

                Pagkatapos naming bumili ng mga susuotin ay nag meryenda muna kami at agad na ring umuwi.

----------------------------------------------

(A/N)

Yepey nakapag update din.. Hahahah. Medyo bitin kaya ipopost ko mamaya ang next chap... See yah later!... :3

Sticky Note.. (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon