CHAPTER 2: Doon sa School Namin

2.7K 30 1
                                    

CHAPTER2: Doon sa School Namin

Laurentz’s POV

                Iniisip ko pa rin yung sinabi ni mama kanina. Wala naman talaga kasing lumalapit sa aking mga lalake. Hindi naman siguro dahil sa panget ako.  Hindi naman siguro. Dahil kaya snob ako? Haaay, siguro dahil di lang talaga ako interisado. Bakit nga ba hindi ako interisado?

                Natigil ako sa pag-iisip ng huminto bigla ang jeep na sinasakyan ko. Aaargh, ano bayan parati na lang ‘tong nangyayari sa tuwing may iniisip ako. Pero andito narin pala ako.

                Dali-dali na akong bumaba. Malalate na ako sa unang subject ko. Ano ba naman kasi ‘tong schedule ko ngayon, ang aga-aga tapos ang hahaba ng vacants. Ano kayang nakain ng controller at ganito ang schedule ko. Buhay estudyante nga naman talaga oo.

                Naglalakad na ako papuntang gate. Haaay naku, eto na naman. Magchecheck pa ng gamit ang lady guard. Malalate na talaga ako nito. (T.T)

                “Pa open ng mga bag ninyo para mas mabilis.” Sigaw nito.

                Haaay naku ate, mas magiging mabilis ang lahat kung hindi na kayo magchecheck. Tsss. Mahigpit lang kasi sila ngayon dahil first day of school pero sa mga susunod na araw tatamarin na rin ‘yan.

                “Miss may  dala kang laptop?” tanong nito sa akin.

                “Ah meron po.” Sagot ko.

                “Maglog-in ka muna.”

                Ay buset. Nalimutan ko kung maydala ka palang laptop or netbook kailangan mo pang magsulat sa log book. Aaah kainis. Malalate na talaga ako nito. (TT.TT)

                Pagkatapos kong maglog-in ay dali-dali na akong naglakad papuntang first subject ko. Tiningnan ko ang class schedule ko.

Monday

                First subject: English4-Literature (7:30am-9:00am, CASS-218)

                Buti na lang sa CASS (College of Arts and Social Sciences) ang first subject ko. Hindi kasi masyadong malayo mula sa entrance. Dumiretso ka lang at andun ka na. Hindi naman kasi ako first year na kung saan-saan na napapad-pad sa kahahanap ng rooms nila. Pangatlong taon ko na ito sa college.

                Pero naiinis talaga ako kapag naaalala ko ‘yong nangyari sa akin nung first year student pa lang ako. Sa schedule ko kasi may subject akong TBA ang nakalagay. So ako ‘tong si walang alam anong ibig sabihin ng TBA, ay nagtanong sa isang babae. Mukha na siyang hindi bago dito sa school kaya siya ang napagtanungan ko.

                “Excuse me miss. Alam mob a kung saan ‘tong TBA?” tanong ko.

                “First year ka? Hmmm. Sa bandang likod ‘yan ng gymnasium.” Naka ngiti nitong sagot sabay turo sa kung saan ang gym.

                Tumango ako at nagpasalamat sa kanya ng may ngiti sa aking mga labi. Akala ko kasi masusungit at snob ang mga studyante dito sa TII(Technology Institute of Ilgan) known naman kasi ‘tong school naming. One of the top schools’ nga ito sa bansa kahit na nasa probinsya ito. May mababait rin pala.

                Naglakad na ako papunta saan itinuro nung mabait na babae ang direksyon ng room namin. Malayo-layo rin pala sumakit nga medyo ang paa ko eh. Hindi kasi ako sanay maglakad ng malayo. Pero kailangan ko naring masanay kasi dito na ako mag-aaral.

                Nung nakarating na ako sa may gym, luminga-linga ako kung saan maaari ‘yong room namin pero wala naman akong nakitang TBA na room doon. Napagpasyahan kong magtanong ulit sa isang babaeng nakatayo sa may entrance ng gym.

                “Excuse me. Asan dito ‘yung room TBA?” tanong ko.

                “Huh? Anong room TBA?” nagtataka niyang tanong. Kaya nga ako nagtanong kasi hindi ko rin alam. Ano bayeen. Medyo masungit nga rin ‘tong babaeng ‘to ah.

                “Sabi ko san yung room TBA?” ulit na tanong ko. Naiinis na ako masakit nga rin kasi yung paa ko sa kakalakad.

                “First year ka ba?”

                Bakit ba parati na lang silang nagtatanong kong first year ako. Hindi ba obvious? Di ko nga alam ‘tong TBA na ‘to eh.

                “Hindi room ‘yang TBA. It means ‘To Be Announced or Arranged’ whatsoever. Napagtripan ka lang siguro ng nagsabi sayo.”

                At ayon nga, hindi nga akala ang inisp ko kanina. Napagtripan lang ako. (TT.TT)

 Ang sakit, hindi ang paa ko kundi ang damdamin ko.

At ‘yon nga nangyari sa akin nung first year pa ako. Lesson learned: “Huwag agad magtiwalaa sa hindi mo kakilala lalo na dito s TII. Noted

Malapit na pala ako sa main entrance ng CASS building. Tiningnan ko ang malaking digital clock na nakasabit sa may puno na nasa harap ng buiding.

‘7:25’

Haay salamat. May 5 minutes pa ako para pumunta sa room namin.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(A/N)

Chapter 2 uploaded!!! Yepey.. May nagbabasa ba nito? Hahaha. Ewan bahala na. :)

Basa-basa rin pag may time.. (^_______^)

Sticky Note.. (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon