CHAPTER 16: Yakap

1.7K 39 3
                                    

CHAPTER 16: Yakap

Laurentz’s POV

                Hanggang sa ngayon iniisip ko pa rin ang maari kong nasabi o nagawa kay Merz na ikinagalit niya. Hindi ko gustong nag-aaway o hindi kami nagpapansinan ni Merz. Syempre importante siya sa akin kasi kaibigan ko siya. Napagpasyahan ko na ako na ang hihingi ng sorry kahit na hindi ko alam kung anong nagawa ko sa kanya.

                Kaumagahan ay naghahanda na akong kausapin siya pero bakit ang tagal niyang dumating ng klase ngayon? Ah tama, may klase pala siya bago ang klase namin ngayon. Makapagkwentuhan na nga lang sa mga kaklase ko dito.

                Makalipas ang ilang sandali ay hindi ko namalayang malapit na ang oras ng klase namin kasi naman tong mga kaklase ko ang kukulit pero mas gusto ko pa ring kausap si Merz. Oo nga pala si Merz! Andito na kaya siya? Tiningnan ko kung saan nakaupo si Merz at andun nga siya at nakaupo na. Hindi ko lang siya napansin. Haaaist. Baka akala nun galit din ako sa kanya. Ayaw niya ngang tumingin sa akin eh. Tsssk. Basta kakausapin ko siya mamaya.

                Pagkatapos ng klase ay nag-aayos na akong ng gamit ko. Pagtingin ko ulit kay Merz wala na siya. Lumabas na siguro. Haaaist. Iniiwasan niya nga ako. Nagmamadali na ako para habulin siya. Paglabas ko ng room ay nakita ko siyang hindi pa nakakalayo kaya agad ko na siyang nilapitan. Hinila ko ang braso niya at mukhang nagulat siya.

                “Uy Merz, sorry na. Hindi ko alam kung anong ikinagalit mo kahapon sa mga sinabi ko, pero sorry kung ano man yun.” Sabi ko.

                “Ah.. Wala yun. Ako nga ang dapat magsorry dahil pinaandaran kita ng pagkalokareet ko.” Sabi niya.

                “So wala na tayong problema?” tanong ko.

                “Wala naman talaga tayong problema.” Nakangiti niyang sagot. Haay salamat okay na rin kami.

               

                Sabay na kaming naglakad papalabas ng campus ni Merz. Balik na naman kami sa kulitan namin. Ma asar nga to.

                “Alam mo Merz nagulat talaga ako nung bigla kang nagback-out kahapon. Ruffa Gutierez lang ang peg. Hahaha.” Natatawa kong sabi.

                “Tumahimik ka nga diyan. Ang tipid mo kasing sumagot. Nakakainis.” Sabi niya.

                “Ano ka ba. Mas nakakainis kaya yung madaldal kaysa matipid magsalita. Lokareet ka nga talaga.” Sabi ko sabay gulo sa buhok niya.

                “Ano ba, ‘wag mong guluhin ang buhok ko. Minus beaty points.” Sabi nito habang inaayos ang buhok niya. Ang cute niya talaga.

                “Hahaha. Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Maganda ka naman kahit mukha ka pang bagong gising.” Pabiriro kong sabi pero totoo naman talaga. Maganda ka Merz.

                “Che, kainis ka talaga.” Sabi nito sabay tulak sa akin at muntikan pa akong matumba. Pinagtawan niya pa ako. Kainis talaga itong si Merz. Ang lakas kung makatulak.

                “Ang weak mo naman Rentz. Konting tulak lang natutumba ka na agad. Hahaha” Natatawa nitong sabi.

                “Ang lakas kaya ng tulak mo. Akala mo lang mahina. Amazona ka lang talaga.” Depensa ko.

                “At anong tawag mo sa sarili mo? Malnourished? Hahaha.” Sabi niya habang tumatawa. Pero hindi ko na alam kung ano pa ang sumunod na nangyari ng makita ko sa may di kalayuan si Rissa. Pumasok na pala siya. Okay na kaya siya? Pero mukhang hindi dahil may kaaway ata siya. Si Nataline? Magkakilala pala sila? Bakit di sinabi ni Nat sa akin? Of course bago lang naman kami nagkakilala sino ba naman ako.

Sticky Note.. (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon