CHAPTER 4: The Note

2.2K 26 1
                                    

CHAPTER 4: The Note

Laurentz’s POV

                Nandito na nga pala ako ngayon sa library. Konti pa lang ang mga students na andito. Maaga pa kasi naman. Kakabukas pa din naman nitong library eh. 9 am kasi ang bukas nito at mga 9:25 pa lang.

                Naglog-in muna ako. Oo dapat pang maglog-in. Pero okay lang hindi mo naman kailangan pang magsulat may scanner kasi. Itapat mo lang yung ID mo at ayon tapos na. (Maglagay din kaya sila ng ganito sa entrance para mas mabilis maglog-in. Hmmpf)

                ‘Welcome Laurentz Belisario’- yan yung nakasulat sa monitor.

                Umupo na ako sa parang cubicle style na mga desk. Mas magandang umupo dun mas private kasi. Hindi makikita ng katabi mo ang ginagawa mo. Hindi naman sa may gagawin akong kung ano-ano, pero mas gusto ko dito.

                Hahaist. Mamaya pang 12 pm ang next class ko. Major pa naman yun.

                Ano kayang gagawin ko dito? May nakita akong mga sulat sulat sa desk. Nagbasa-basa muna ako.

                ‘Kapagod! Di ko na kaya. Grabe talaga ‘tong Math17 (Algebra and Trigonometry) tapos si sir Yu pa ang prof ko. Wala na akong pag-asa. Babagsak na naman ako nito. (T.T)’

                Ano ba yan, Math17? Eh first Math subject ko yan sa course ko na dapat kunin. Okay lang naman. Siguro last sem or last last sem pa ito. Kasi kung ngayon palang ito sinulat, hindi mo ito masasabi agad. Tsaka first day of school pa kaya ngayon.

Si sir Yu kasi parang ang bait-bait sa simula. Pero pagdating sa mga quiz parang ibinaliktad lahat ng pinag-aralan mo. Oo naging prof ko rin siya noon. Pero sa Math51 nga lang calculus1. Pumasa naman ako. Kung na cucurious ka, wala pa akong binagsak na subject sa Math o kahit anong subject.

Panay aral lang naman kasi talaga ako. Wala na akong magawang iba. No social life. Aral lang ng aral. Nakabraces pa ako. Kulang na lang ng malaking salamin para magmukha na akong si Betty.

Malabo naman talaga kasi yung mata ko pero nakacontacts ako. Ayaw ko na ng salamin. Binubully kasi ako nung nasa high school pa lang ako. Kaya napagpasyahan kong magcontacts nung magcollege ako.

Nagbasa naman ako ng iba.

‘I like my sir and I think she likes me too.’

Anong ‘she’? Sir nga di ba? Magsusulat na nga lang mali pa. Ano ba yan. May nagcomment nga eh.

‘She? Baka ‘he’ siguro? Hahaha XD’

Ano ba namang mga estudyanteng ‘to. Kung hindi about sa mahirap na subject ang isusulat, sa love naman. Haay buhay. Love? Ano nga ba talaga ang love?

Napagpasyahan kong kunin ‘yong sticky note pad ko. Color green, favorite color ko. Maliit lang siya. Pa rectangle ang style, hindi tulad nung iba square. Parati kasi akong nagdadala nito. Nagsusulat ng mga reminders para di ko malimutan. Tapos inilalagay ko sa cork board ko sa kwarto pag-uwi. Nagsulat na ako.

‘Love. Ganun lang ba kadaling magmahal? Bakit hindi ko pa nararanasan? May magmamahal rin kaya sa akin? Alam kong mahal ako ng parents ko. Parati naman nilang sinasabi eh. Pero ano ba ang pakiramdam ng magmahal at mahalin? Gusto ko ring matutunan at maranasan. L’

Idinikit ko yun. Doon sa hindi siya madaling makita.

Kinuha ko ang laptop ko and turn it on. Kinuha ko rin ang sandwich na dinala ko. Binuksan ko ito at linasap ang sarap nito na gawa ni mama.

-------------------------------------------------------------------------------------

(A/N)

Next time ko na sana to ipopost. Pero na isip ko na ipost na lang kasi ang layo na ng chap wala pang chap tungkol sa title.. So ito na siya.. Heheheh. Hope yah like it. :)

Sticky Note.. (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon