CHAPTER 11: Siya Nga Ba?

1.9K 25 2
                                    

CHAPTER 11: Siya Nga Ba?

Laurentz’s POV

                Kumalat na ang balita tungkol sa nangyari kay Rissa sa buong campus. Maraming espikulasyon tungkol sa totoong nangyari sa gabing iyon.

                Naglalakad ako ngayon papalabas ng science building. Bakit ang daming tao sa lobby? Tsssk. At ang ingay pa nila. Kaya ayaw kong tumambay dito eh. Ano kayang meron.

Girl1: Kung nakita niyo lang ang itsura niya. My gosh! Kung hindi lang mabilis ang mga pangyayari siguro nakunan ko siya ng picture.

Girl2: Oo nga girl. Siguro sikat ka na ngayon. At si Rissa ang sira.

(Tawanan silang lahat)

                Tungkol pala kay Rissa ang kaguluhan dito. Hindi ako nakikitsismis ah. Narinig ko lang. Ang lakas kaya ng mga boses nila.

                “Hoy Rentz! Anong ginagawa mo jan?” sigaw ng isang pamilyar na boses. Tsssk. Nagulat ako dun ah.

                “Oh Merz! Kaw lang pala akala ko kung sino. Hehehe.”

                “Anong ginagawa mo dito? Nakikitsismis ka na rin ba ngayon?” tanong nito.

                “Huh? Hindi ah. Napadaan lang ako dito. Ikaw anong ginagawa mo dito?” tanong ko rin sa kanya.

                “Nakita kasi kita. Saan ka ngayon?”

                “Waaah. Ang linaw naman ng mata mo. Ang dami kayang tao dito. Pupunta akong library. Ikaw saan ang punta mo?”

                “Che, ikaw lang naman ang sira ang mata hindi ako. Nakalimutan mo atah yun. Sama ako sayo sa library.” Ano naman kayang gagawin nito sa library? Ah, siguro para makita yung librarian.

                “Che ka rin. Nakalimutan mo rin bang may contacts ako. Malinaw ‘tong mata ko noh.” Pagtama ko sa kanya.

                “Malinaw na kung malinaw. Halika na punta na tayong library. Mas maganda dun tahimik.” Nakangiti niyang sabi. Ano kayang nakain nito ngayon.

                “Tahimik ka jan. Gusto mo lang naman talagang makita yung librarian eh.” Sabi ko.

                “Ano ka ba. Nakita ko na siya ng ilang beses. Normal na lang ang itsura niya para sa akin.” Depensa niya.

                “Waaah. Ano bang nangyayare sayo ? Bakit parang hindi ka na baliw sa mga lalake ngayon?” nagtataka kong tanong.

                “Che puro ka tanong. Eh ikaw, kailan ka pa naging tsismosa ha?” bawi niya.

                “Di ba sabi ko napadaan lang ako dito. Ang gulo mo.” Sabi ko naman.

                “At tungkol pa kay Rissa Monteverde ang tsismis na pinapakinggan mo.” Ano daw?

                “Hindi ako nakikinig sa kanila. Narinig ko lang sila. Magkaiba yun.” Paglinaw ko.

                “Parehas lang yun.” Naiirita niyang sabi.

                “It’s not.” Sabi ko naman.

                “Aargh. Halika na nga. Mag-aaway na naman tayo nito eh.”

                “Eh ikaw naman ang nagsimula.”

                “Sige na, oo na. Kaya halika na.” sabi niya habang hinihila ako papaalis.

Sticky Note.. (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon