CHAPTER 20: Different Sides

1K 32 2
                                    

CHAPTER 20: Different Sides

Laurentz’s POV

                Busy ako ngayon sa pag-iimpake ng mga gamit na dadalhin ko sa field trip namin bukas. Oo bukas na nga yun. Ang bilis nga ng mga araw. At alam niyo ba kung anong nangyari sa mga araw na yun? Haaaist. Kinukulit lang naman ako ni Merz tungkol kay Rissa. Kahit anong pilit na gawin niya sa akin hindi ko parin sinabi sa kanya kung ano ang totoong nangyari. Nagtatampo nga ngayon sa akin yun. Pati nga si mama ay naguguluhan na sa aming dalawa. Ngayon lang daw kami nag-aaway ng ganito at ang dahilan pa ay si Rissa.

                “Baby girl baka nagseselos lang yung si Mercy.” Sabi ni mama na tinutulungan ako sa mga gamit ko.

                “Nagseselos? Bakit naman po siya magseselos kay Rissa?” sabi ko naman.

                “Ano ka ba baby girl. Hindi mo ba talaga nararamdaman yun? Nagalit yung si Mercy dahil hindi mo sinabi sa kanya na gusto mo palang maging kaibigan itong si Rissa. Tsaka ngayon ka lang naglihim sa kanya, kaya syempre magagalit talaga yun . At nagseselos lang yun dahil gusto niya siya lang best friend mo. May BFF syndrome atah. ” Paliwanag ni mama.

                “Hindi ko pa rin maintindihan ma eh. Ano namang meron kung nag-uusap nga kami ni Rissa? At tsaka paulit-ulit ko na pong sinasabi sa inyo na hindi ko kaibigan si Rissa. Malayo pa kami sa level na yun. Oo nga pala, ano po yung BFF syndrome? Ngayon ko palang po yun narinig ah.” Oo nga naman ano ba yun?

                “Hahaha. Gawa-gawa ko lang yun anak.” Natatawang sabi ni mama. “Basta anak ayusin niyo yang problema ninyo ni Mercy. Nagtatampo lang talaga yun.” pagpapatuloy ni mama.

                “Opo ma. Kakausapin ko po siya pag may time.” Sabi ko. At binatukan lang naman ako ni mama. Tsssk. Bakit ang barumbado ng mga kakilala kong mga babae? Haaaist, buhay nga naman.

                “Ma! Masakit yun ah!” reklamo ko. “Oo na kakausapin ko po siya bukas. At tsaka dalawang araw po kami doon kaya marami pong oras na maaari ko siyang kausapin.” Sabi ko.

                “Mabuti naman. Sige na at icheck mo na ang mga gamit mo kung okay na at walang kanang nakalimutan. At matulog ka ng maaga baka maiwan ka bukas. Maaga pa naman kayo aalis.” Paalala ni mama.

                “Opo ma.” Sabi ko naman.

                “Good night baby girl.” Paalam ni mama.

                “Good night ma. Sweet dreams.” Sabi ko rin.

Mercy’s POV

                Bukas na ang field trip namin at makakasama ko si Rentz doon ng dalawang araw. Huwag na lang kaya ako pumunta? Sayang naman yung binayad ko noh. Tsssk. Kainis kasi tong si Rentz. Kapag kinakausap ko siya tungkol kay Rissa, umiiwas siya sa usapan at kung minsan iniiba niya yung usapan at kung minsan nga ay tumatahimik lang siya. Sino bang hindi maiinis dun? At kung tinatanong niyo kung nagseselos ba ako, hindi ko alam. Siguro? Haaaist kainis talaga.

                “Mercy, okay ka lang? Bukas na kayo aalis di ba? Bakit hindi ka pa nag-iimpake?” tanong ni Julie yung roommate ko.

                “Nakakainis kasi si Rentz eh. Huwag na lang kaya akong pumunta? Anong sa tingin mo Julie?” tanong ko sa kanya.

                “Kung tungkol na naman to sa pagseselos mo kay Rissa, naku Mercy malala na yan.” Sagot nito. Tsssk.

Sticky Note.. (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon