CHAPTER 19: Feelings

1.1K 29 6
                                    

(A/N)

Huhuhu.. Ang tagal ko na namang hindi nakapag-update.. Sorry for the wait again.. :(  And also this chapter is dedicated to @collin028.. Hope you like it even though it's kinda short. LOL.. I will try my best to update again next week, so see yah!!! XoXo

------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 19: Feelings

Mercy’s POV

                Tahimik kong pinagpatuloy ang pagkain. Naguguluhan parin ako sa mga nangyayari kailangan kong kausapin si Rentz. Bakit di niya sinabi sa akin na magkakilala na pala sila ni Rissa at kailan pa? Natigil ako sa pag-iisip ng tinawag ako ni Rissa. Oo, hindi pa rin siya umaalis. Kainis nga nasa amin na ang halos lahat ng atensyon ng mga kumakain dito ngayon.

                “Mercy right?” tanong nito.

                “Yes?” sagot ko.

                “Matagal na ba kayong magkaibigan ni Laurentz?” tanong nito ulit.

                “Matagal-tagal na. Simula pa nung 1st year kami na ang magkasama. Bakit mo naman na tanong?” tanong ko naman.

                “Wala lang.” sagot nito ng nakangiti. Huwag mong sabihing

                “Are you interested on her?” tanong ko.

                “What do you mean?” parang nagtataka nitong tanong. Oo nga naman bakit ko ba natanong yun? Kay Rissa Monteverde pa. Napaparanoid na ata ako.

                “Never mind.” sagot ko. “Oo nga pala, bakit mo tinawag si Rentz ng B.G?” pagpapatuloy ko. Naalala ko yun kasi tinawag niya kanina kay Rentz.

                “I just made that nickname for her and besides you don’t need to know what that means.” Parang natatawang sagot nito.

                “And why not? I’m her best friend and you’re just a nobody.” akala mo ha.

                “You’ll never know.” sabi naman nito. “See you around Mercy.” Paalam nito at umalis na. Anong ibig niyang sabihin dun?

                Tinapos ko na ang natitira kong pagkain at umalis na rin.

                ‘You’ll never know’… Yun lang ang mga katagang inisip ko sa buong araw na iyon.

Laurentz’s POV

                Pagkatapos ko ngang kumain ay pumasok na ako. Habang hinihintay ang prof namin ay naisip ko ang nangyari kanina. ‘B.G’ yun ang tinawag niya sa akin. Hahaha. Kaming dalawa lang ata ang nakakaalam kung anong ibig sabihin nun, Baby Girl. Akala ko hindi na kami muling magkikita ni Rissa. Yung itsura niya kasi nung umalis siya ay hindi ko maipinta. But after a week here she is at kasabay ko pang kumain ng tanghalian. Hala. Iniwan ko pala silang dalawa ni Merz doon. Lagot ako nito kay Merz. Mukha pa namang ayaw niya kay Rissa. Kapag napag-uusapan kasi namin siya ay nag-iiba ang mood niya at minsan pa nga ay hindi niya na ako pinapansin. Iwan ko ba sa babaeng yun. Sana magkita pa kami ulit ni Rissa at makapag-usap. Haaaist. Parang noong isang araw lang ay ayaw na ayaw ko sa kanya kahit na pangalan niya ay naiinis na ako pero ngayon ay iniisip ko pa na sana magkita kami ulit ano ba ‘tong nangyayari sa akin. Hindi ko alam, basta iba ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya.

Sticky Note.. (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon